Andito ako sa classroom kasama si AC, magkaklase kami e, same section.
"Lili, bat para kang natatae?"
*pok*
"Arrraaayy"
Sabay himas nya ng binatukan ko.
"Natatae dapat talaga ung term?, hindi ba pwedeng masakit ang tyan?"
"Dun nadin tuloy nun."
Babatukan ko sana ulit sya.
Kaya lang nakatakbo palayo.
Lokang babae.
Umupo nalang ulit ako, wala namang makakausap dito.
BTW, my name is Princess Caitlyn Cruz, tutal nasabi na sainyo ni AC na pinsan ko sya, yes pinsan ko sya, sya ang lokaloka kong pinsan na sobrang close ko na kulang nalang magkainan kami ng kulangot.
Ewww.. Gross, yukkk!! Nasusuka ako dun sa sinabi ko a.
Kinilabutan tuloy ako.
Tumingin nalang ako sa bintana.
"Hi"
"Hello"
Bati ko rin sa kanya.
"By the way I'm Leana."
"Caitlyn."
Sabay nagkamay kami.
"Lili, halika nga dito!"
Sigaw ni AC, panira naman tong babaeng to.
"Oo sandali lang"
Humarap ako kay leana.
"Maya nalang."
"Sige bye."
Sabay lakad ko papunta kay AC.
"Ano nanaman ba un?"
"Wala, tara sa baba."
"Kakapagod kayang magbaba taas ng hagdan, ikaw nalang."
"Dali na, tingnan na din natin sina JM."
"Sige na nga."
Nga pala si JM ay isa sa mga pinsan ko.
Nasa may hagdanan kami ng makasalubong namin sina Daniel.
"AC libre mo kami."
Nag peace sign si AC at tinapik un sa leeg nya kasabay ang salitang.
"Neknek mo."
Tapos nauna na syang umalis.
"Lokaloka!"
Sigaw ni Gabby.
"Baliw ka!"
Sigaw pabalik ni AC.
Mga may tama kayo!
Gusto ko sanang sabihin sa kanila un,kaya lang wag na baka kasi madamay pa ako sa bangayan nila, hindi tunay na bangayan, ung parang asaran lang naman kung baga ganun ba.
Haha!! Sarap nilang videohan tapos iupload ko sa Youtube, magiging viral kaya ung linagsasabi nila?
Haha! Siguro pag nadinig ni AC tong sinasabi ko siguro marami nang dadalaw sakin na ang suot e puti o kaya naman itim.
XD
YOU ARE READING
BESTFRIEND
Teen FictionTotoo kaya? Pero ayokong maniwala. Panaginip lang ito. Oo panaginip lang