Panimula
The meet
"Okay kana ba talaga dito, Rosie?" Tanong ni Mama.
Ngumiti ako at tinignan ang buong dorm. Maganda naman at hindi ko pa naman makita ang room mate ko dahil wala namang tao kaninang kararating ko.
Medyo, malaki naman ang dorm at medyo maganda. May kusina rin at banyo. Buti na lamang hindi banyo ng lahat.
"Opo ma. Ayos na po ito saakin. Magiging okay rin po ako." Sagot ko.
"Osige na. Mauna na ako. Ayusin mo ang pag-aaral ha, Rosemarie."
"Opo mama." Ngumiti ako at hinalikan na ang kabila ng kanyang pisngi.
Ngumiti si Mama at lumabas nang dorm. Ako naman napasinghap dahil mag-isa lamang ako. Nasaan na kaya ang ka-room mate ko? Alas-dose na ng tanghali kaya medyo manit. Nakita kong may aircon at binuksan ko ito.
Ilang oras pa ay narinig kong bumukas ang pintuan. At nakita ko ang babaeng may tattoo sa braso at may tingga sa bibig. Adik ba ito?
"Ikaw ba yung ka-room mate ko?" Tanong nya ng naka-ngiti.
"Ah oo. Ako nga. Rosie nga pala."
"Kayla. Kanina kapa ba?"
"Ah oo Kayla. Inaayos ko nalang ang mga libro ko dito sa shelf." At nginitian ko sya.
"Ah. Oo nga pala girl, pupunta yung mga guys na kaibigan ko dito mamayang alas-nuwebe ng gabi." Ika nya.
Normal ba 'yon? Mga lalaki nyang kaibigan papapuntahan nya dito ng gabi pa?
"Ah sige." Tangging sagot ko. Wala naman akong magagawa.
Nung hapunan ay kumain lang ako sa canteen ng dorm at tumambay sa may field ng isang oras. Tiyak kong nandun na ang mga kaibigan ni Kayla. Alas-diyes na kasi ng hating gabi.
Tumayo na ako sa pagkaka-upo at nagsimula ng maglakad pabalik sa dorm room namin. Ang dilim naman dito sa hallway. Buti nalang may mga babaeng tamba pa dito at nagke-kwetuhan.
Pagdating ko sa room. Ang lakas ng patugtog ng musika nila. Isang rock song na talagang mayayanig ang tenga mo. Nakita kong may disco pa. Paano ako makakatulog neto?
Hindi nila ako napansing pumasok dahil busy sila sa pag-sasayaw. Jusmiyo, may pasok pa bukas. Paano ako makakatulog?
Dumapo ako sa kusina at umupo sa counter at sinandal ang ulo ko sa may kabinet. Pinikit ko ang mga mata ko ng sandali hanggang sa may naramdaman akong may naka-titig saakin.
Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang tattooed guy at naka-ngisi pa. May tingga sya sa labi at kilay. Katulad din sya ni Kayla? Ang alam ko kasing ganito mga, hazing at frat. Frat ba sila? Kasama ba sila sa Haze?
"Ikaw ang ka-room mate ni Kay?" Tanong nito.
"Oo."
"Tama nga sya mukha kang manang." Pang-aasar nya.
"Hindi ako mukhang manang." Depensa ko saaking sarili. Maka-manang naman kasi!
"Maganda ka sana, manang ka nga lang kung titignan." Tsaka sya ngumisi.
"Argh. Kainis ka! Kala mo kung sinong gwapo!" Sigaw ko sakanya.
"Bakit? Hindi nga ba?" Tsaka nanaman sya ngumisi.
"Gusto mo sagutin ko? Hindi! Hindi ka gwapo!" Sigaw ko ulit.
"Talaga? Ang isang tulad ng Jiro Kier Montefiorre hindi gwapo? Ha! Kaya pala habulan ng babae?"
"Mga bulag lang sila! Ugh. Makaalis na nga dito! Ang demonyo kasi ng isa dyan." Inirapan ko sya bago ako lumabas ng room. Nakaka-inis! Akala mo naman kung sino!
YOU ARE READING
Hanggang Sa Huli (KathNiel Series 1)
Fanfiction"I can't afford my life without you..."-Rosemarie Dawn.