Kabanata 2

25 3 0
                                    

Kabanata 2

Selos ka?

"Hindi nga yan sasama." Asar pa ni Jiro.

Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to. Kaninang umaga minanyak ako pero parang wala lang sa kanya. Manyakol.

"Jiro, don't pressure Rosie." Sabi ni Emerald.

"Hindi nga yan sasama-----."

"No. Actually, sasama ako. Puntahan mo nalang ako sa dorm ko ah Em." Ngumiti ako kay Emerald at lumabas na ng gym.

Ang yabang ng lalaking yun. Akala mo kung sino. Edi sige, sya na gwapo. Sya na, sikat. Sya na lahat.

May motto ako eh 'no one can ruined my day' pero wala. Sirang-sira na dahil sa lalaking mayabang, tattooed guy na yun. Kagabi pa ako inaasar at binubwisit nun eh. Feeling close saakin. Napa-groan at naglakad ako papuntang garden. Walang masyadong tao dahil lahat ay nasa gym.

Umupo ako sa bench at nilabas ang libro ko para magbasa. Binasa ko lang ang favorite story ko at medyo nakakakilig. Vince and Kath!

Bigla namang may tumabi saakin at paglingon ko isang lalaking nerd at weird manamit.

"Hi." Bati nya.

"Ah. Hello. Do i know you?" Tanong ko.

"Ah hindi. I'm John." Linahad nya ang kamay nya kaya nakipag-kamay ako.

"Roseanne. Pero, Rosie nalang."

Nginitian nya ako at tumingin na sya sa malayo. Ang weird naman ng lalaking 'to. Nakipag-kilala saakin hindi man lang ako kausapin? AWKWARD.

Nagbasa nalang ulit ako. Ilang minuto pa ay tumunog na ang bell. Tumayo kami ni John.

"Ah Rosie, uuwi kana ba?" Sabay kurap ng mata.

"Ah. Hindi pa. Pupunta ako sa mall for buy some stuffs." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

"A-ah. Gusto m-mo bang s-samahan kita?" Tanong nya.

Napakamot ako ng ulo at umiwas ng tingin. Tumingin ulit ako sa kanya at mukhang nahihiya sya.

"Ah. Oo nama---."

"Rosie bells! Rosie bells!" Napa-tingin naman ako sa likoran ko at nakita ko si Emerald na naglalakad papunta saamin.

Kumapit sya sa braso ko at nginitian nya ako. Ganun din ako.

"San punta mo?" Tanong nya.

"Ah. Pupunta kami ni John sa mall. Bibili kasi ako ng uniform tsaka ibang pang mga stuffs."

"Ah. So, pwede ba akong sumama?" Naka-ngiti nyang tanong.

"Oo naman. Tara? John, tara." Nginitian ko silang dalawa at naglakad na kami. Si John nasa likod lang namin.

Pumunta kami sa parking lot dahil may sasakyan pala si Emerald. Sumakay ako sa shotgun seat habang si John ay sa likod. Nag-simula ng mag-drive si Emerald at medyo traffic.

"Hindi ba weird na kasama natin ang nerd na 'yan?" Bulong saakin ni Emerald.

Tinignan ko si John at naka-ngiti syang naka-tingin sa labas.

"Hindi. Friends naman kami." Nginitian ko sya at ganun din sya.

Nakarating kami sa mall at naglakad-lakad kami. Una kaming pumunta sa dress store. Bibili daw kasi si Emerald ng outfit nya tonight. Ako kasi may dress na ako dun sa closet ko sa dorm.

Matapos nyang bumili ay bumili nako ng kailangan ko tsaka kami kumain sa KFC. Sobrang saya namin. Si John kasi, comedy.

"Rosie, Emerald?" Tawag ni John saamin.

"Yes?" Sagot naman ni Emerald.

"Anong ang tawag sabi ng ambon sa lupa?" Magpapatawa nanaman. Hehehe.

"Oh ano?" Tanong ko.

"Edi, bwisit ka nasasaktan ako sa tuwing babagsak ako nasasaktan ako. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Tawa nya.

Kami naman nag-fake laugh lang. Not funny. Pagkatapos naming kumain umuwi na rin kami. Hinatid namin si John sa bahay nila. Ngayon naman nasa parking lot na kami ng dorm. Bumaba na kami ni Emerald at sabay na umakyat.

Nung nasa tapat na ako ng room ko. Sinabi kong daanan nya nalang ako. Um-oo naman sya. Pagpasok ko sa dorm nandito si Jiro at Kayla. They're watching in laptop a netflix. Linagpasan ko lang sila at inayos muna ang mga binili kong design sa bahagi ng aking dingding.

"Rosie, sasama ka sa frat house party?" Tanong ni Kayla.

"Uhm, oo. Kasama ko si Emerald." Nginitian ko sya.

"Sabay na kayo saamin nitong si Jiro."

Ugh. Kahit wag na!

"Ah hindi na. May sasakyan naman si------."

Bigla namang dumating si Emerald na naka-bihis na agad. Tinignan ko ang kanyang suot at halos hindi na sya naka-damit. Sobrang ikli ng dress. Litaw pa cleavage. Nakaka-suka naman.

"Sabay na kami ni Rosie sainyo Kay. Tamad akong mag-drive." Sabay upo ni Emerald sa sofa kung nasaan si Jiro at Kayla.

"Psh. Hindi papayag 'yang si ugly Rosie. Maarte kaya 'yan." Asar ni Jiro.

"Psh. Hindi naman kasi kinakausap sumisingit. Em, ligo lang ako."

"Go, Ros."

Pumunta na ako sa CR at nagsimula ng maligo. Pagkatapos kong maligo sumunod nama si Kayla. Si Jiro nag-susuklay ng buhok. Ang adik ng buhok. Gulo-gulo. Punong-puno pa ng tattoo ang braso at sa dibdib.

Nagsuot ako ng dress na above the knee at nag-lipbalm nalang ako at kinlip nalang ang side ng buhok ko. Lumabas na si Kayla sa banyo at naka-dress din sya na sobrang ikli. Litaw din cleavage.

Nakita ko namang tumingin silang tatlo saakin mula ulo hanggang paa.

"Bakit?" Tanong ko.

"Hindi tayo magsisimba, Rosemarie." Sabay ngumisi si Jiro saakin at umupo sa sofa.

"Atleast hindi naman maiklinang suot ko. I told you, i'm descent girl." Sabi ko at inayos ang lipbalm sa labi ko.

"Sa sobrang pagka-disente nagmumukha ng manang." Asar ni Jiro.

"Shut up! Feeling close ka masyado." Sabi ko.

Ilang minuto pa ay lumabas na kami ng dorm. Nagpunta kami sa parking lot at sumakay kami ni Emerald sa pinaka-likod. Sa harap kasi sina Jiro at Kayla.

Medyo traffic kaya alas-diyes na kami nakarating sa party. Sumulyap ako sa labas at ang daming tao! Dinig na dinig mo ang kabog ng sound. May disco pa.

"G-ganito ba talaga?" Kinakabahang tanong ko.

"Sabi sayo eh. Hindi ka bagay dito." Asar ni Jiro sabay baba ng kotse kasama si Kayla. Sununod naman kami ni Emerald.

Pumasok kami sa loob at pumunta kami sa isang sofa. May tatlong lalaki at isang babae na naka-kandong sa tisoy na lalaki. Umupo kami doon at nasa harap ko si Jiro na may kahalikan pa. Kaumay! Landi-landi.

"Hi guys! Meet, Rosie!" Sabi ni Emerald sa tatlong lalaki at isang babae.

"Hello." Naka-ngiti nila sabi.

"Hello." Nginitian ko rin sila.

"I'm Camile. This is Lester and Drake and that's Jake." Sabi ng tisay na babae.

"Hello Camille, Lester, Jake and Drake." Nginitian ko sila tumango naman sila. Umupo na kami ni Emerald at sya naman umiinom ng vodka.

"Rosie, you should try this." Sabay abot saakin ng vodka.

"Ah Em, hindi ako umiinom eh."

"Oh okay. Sorry."

"Ang manang mo talaga." Singit ni Jiro.

"Atleast, hindi nakikipag-halikan sa ibang babae sa harap namin." Sumbat ko.

"Bakit babe? Selos ka?" At ngumisi sya.

Hanggang Sa Huli (KathNiel Series 1)Where stories live. Discover now