Hindi ko alam kung pano ko uumpisahan ang kwento tungkol sa buhay ko. Kasi hindi na ako buhay. Kaya ano pa ba ang ikikwento ko diba?
Ang patay diba wala ng pakiramdam? Wala ng tumitibok sayo, wala naring dumadaloy na dugo, hindi mo na maigalaw lahat. Kasi nga diba patay na. Ano pa ba ang silbi ko? Wala na diba?
Ayy oo nga pala, ako si Akhi. Patay na ako, sa di ko alam ang nangyare, wala talaga akong maalala bukod sa pangalan ko. Andito ako sa langit, pero hindi mismo sa langit, sa daanan papunta sa taas. Ang ganda ng buong paligid, napupuno ng liwanag at mga ulap. May mga anghel na kumakanta at naglalaro. Parang ang sarap mabuhay dito, pero bakit ganun? Bakit parang di ako masaya? Ayoko bang dito ako sa langit? Pero mas ayoko ko sa baba.
Hay naku Akhi, ang gulo mo.
YOU ARE READING
10 Days on Earth
RandomKung bibigyan ka ni God ng 10 days para mabuhay sa mundo ulit, anong gagawin mo? Hahanapin mo kung sino ang may pakana ng pagkawala mo sa mundong ito? Yayakapin mo isa-isa ang pamilya mo? E yung taong bumuo ng mundo mo, namimiss mo ba sya? Ang mga k...