Realize

32 2 2
                                    

Realize by mtmmxx
One Shot Story
-

Hay. Bakit kasi naimbento pa ang projects. Ang hirap pa gawin, lalo na kapag walang silbi nga kagrupo mo.

Nandito ako sa kwarto habang ginagawa yung project namin na sa susunod na araw na ang pasahan.

Napaigtad ako nang may biglang tumakip sa mata ko. Walang duda, sya na naman ito.

"Guess who?" sabi nya gamit ang mapanlarong boses.

"Theo, alisin mo yan. Isa."

"What if I don't?" pang-aasar nya pa.

"Aalisin mo o ako ang mag-aalis nyan? 'Di mo naman siguro gustong magkabali-bali ang mga buto mo?" inis kong sambit. Theo never fails to ruin my day.

Inalis nya na nga ang pagkakatakip nya sa mata ko. "Sadista ka talaga!" sabi nya. Tinignan ko lang sya ng masama at nagpatuloy na ulit sa ginagawa ko bago nya ako bwisitin.

"Wow, I travelled a thousand miles just to see you tapos 'di mo lang pala ako papansinin? Katampo ah." sabi nya at umupo sa tabi ko.

"Ang OA mo! Anong thousand miles ba ang pinagsasasabi mo, e dyan nga lang sa tapat yung bahay nyo!"

"Ay, hehehe. Pero kahit na! Pansinin mo naman ako bebe labs." sabi nya. Nangilabot agad ako. Ano daw? Bebe labs? Errrr.

"Mandiri ka nga! Lumayas ka na, may ginagawa pa ako. Maghanap ka nalang ng iba mong bwi-bwisitin." sabi ko habang nagtatype para sa project.

By the way, I'm Thalia Madrigal. At yung kutong lupa na nangungilit sakin kanina pa ay si Theo Santos, na matagal nang may gusto sa akin.

"Ayoko. Ikaw lang sapat na." sambit nya.

"Jeje ka talaga! Lumayo ka nga sakin!" pang-aasar ko sa kanya at tumawa.

"Ouch ha! You're hurting my feelings." ma-dramang sabi nito.
Tinawanan ko lang sya.

"Para kang bakla! Hahahaha!"

"Ako? Bakla? Sa gwapo kong 'to?" mayabang na sabi nya.

"Gwapo? Saan? Wala naman, e!"

"Dito." sabi nya sabay lapit ng mukha sa akin. Yung tipong isang daliri nalang ang pagitan. Tinulak ko agad sya.

"Masasapak kita pag inulit mong gawin yun."

"Sorry na, Madam." sabi nya. Nag-ring bigla cellphone nya. Sinagot nya naman ito. Maya-maya, humarap sya sa akin. "Thaliababes, alis muna ko ah? Pakabait ka! Babalik ako. I love you!" sigaw nya habang tumatakbo paalis. San kaya punta nun?

Bakit kailangan nya pa magpaalam? 'Di nya naman ako magulang. At ang loko, nag-I love you pa.

"Pero aminin mo, nahuhulog ka na 'no?" sabi ng boses sa utak ko. Baliw na ata ako.

Napaisip ako. Nahuhulog na nga ba ako? O matagal na akong nahulog pero pinipigilan ko lang? Tsk.

Naalala ko yung paglapit nya ng mukha nya sakin kanina. Asar. Sa tingin ko, nahulog na nga ako.

Bwisit ka talaga, Theo Santos.

Napatingin ako sa picture namin dun sa frame na nakasabit sa pader. Napangiti na lang ako. Hay, Theo. Ibang klase ka talagang kutong lupa ka.

----

Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Pagtingin ko sa orasan, gabi na pala. Biglang nagring yung cellphone ko.

RealizeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon