Isang Bagsak

75 1 0
                                    

Ikaw ba ay inlove sa isang tao na di ka gusto? Kawawa ka naman!  Aw! Hard. Syempre joke lang yun! Alam mo ang pag-ibig na nararamdaman mo ay parang isang umaapaw na tubig sa timba. SAYANG lang! Iyak ditto iyak dyan. Kung nag-aaral ka na lang nang mabuti eh di mataas pa grades mo, masaya pa magulang mo. Kung magpapaka-emo ka lang dyan at didibdibin ang pagmamahal mong di nabibigyang pansin, wala kang mararating. Bata ka pa! Kung para sa iyo ang isang tao, magiging kayo sa dulo. Huwag mo munang gawing priority ang ganyan, sabi nga sayo sayang lang.

          Ito naman, ikaw ba ay isang kabataan na puro gimik at selfie lang ang alam? Oh! Natatamaan ka na ba? Uso kasi ngayon sa mga kabataan ang gimik at selfie, isa ka rin ba sa kanila?  Sana hindi, okay lang naman ang gumimik pero wag naman sanang sosobra. Yung tipong madaling araw ka na uuwi, tapos kapag pinagsabihan ka ng magulang mo ikaw pa ang magagalit. Iisipin mo na lagi ka na lang nilang pinapapagalitan na hindi ka nila mahal. Pwes! Mali ang iniisip mo, kaya ka nila pinapagilatan para sa ikabubuti mo! Kaya ikaw. Oo, ikaw! Bawas-bawasan mo ang paggimik mo.

          Ang pag-seselfie, di naman ipinagbabawal. Ang problema lang sa ating mga kabataan, sobra na. Tandaan natin na lahat ng sobra ay nakakasama. Halimbawa ng sobrang pag-seselfie, kumain kayo ng pamilya mo sa isang restaurant. Aba’y imbis na magdasal bago kumain, kinuha si camera at nag-selfie. Di pa nakuntento, upload agad sa fb with caption pa. Yung totoo. Nang-iingit lang?

          Ito pa ang ibang mga bato este patama. Ikaw ba yung tipo ng estudyante na alam mong may test bukas, imbis na mag-aral, eh nagbabad sa internet buong magdamag. Kaya kinabukasan during test, tingin sa taas for concentration, tingin kay crush for more inspiration at tingin sa katabi para makakuha ng information. Hay, naku! Kaawa-awa naman ang katabi mong nag-aral tapos ikaw nangongopya lang.

Sa test nangongopya pati ba naman assignment tamad pang gawin! Ano bang nangyayari sa ating mga kabataan. Paano naman pagkarating sa bahay imbis na buksan ang bag at tingnan ang mga notebook kung may assignment, aba! Ihahagis si bag kung saaan at bubuksan ang TV saka manonood na para bang wala ng bukas. Kaya kinabukasan kapag may kaklase ka na nagsabing “Uy! Nagawa mo ba assignment mo?” Ikaw naman taking-taka at sasabihin sa sarili “Anong assignment?” saka mag-faflash back sa utak mo. Ang isasagot mo sa iyong kaklase “Nakalimutan ko eh, pwede pakopya. Naku! Buhay parang life.

Oh! Ilan lang yan sa mga patamang alam kong naka-relate ka. Kaya’t habang maaga pa magbago ka na, hindi lang para sa sarili mo kundi pati na rin sa mga taong nakapaligid sa iyo. Sige ka madaming batong nakakalat sa langit, baka matamaan ka!

🎉 Tapos mo nang basahin ang Bato, bato sa langit. Ang tamaa'y wag magagalit 🎉
Bato, bato sa langit.  Ang tamaa'y wag magagalitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon