Nakita ko siya na may dalang kahon. Nakabalot iyon ng isang makulay na papel at tinalian pa ng lasong asul. Sin-laki iyon ng lagayan ng sapatos. Mahigpit niyang hawak iyon. Napakaganda ng suot niya. Napaka-ganda niya sa ayus niyang iyon, nakalugay ang kanyang buhok na kapansin-pansing pinakulot at kinulayan. Bumagay ang kanyang daster sa pula niyang labi. Sing-elegante ng pilik mata niya ang suot niyang sapatos de takong. Habang naglalakad siya lumingon pa siya sa akin at ngumiti. Pagkaway niya, nagbago ang kanyang itsura, bakas sa mata ang takot. Nagmadali na siya naglakad palayo at pumasok sa eskinitang hindi naman madaanan ng dalawang taong magkasalubong. Alam ko, hindi duon ang daan niya pauwi. Patungo iyon sa basurahan, ano naman ang gagawin niya doon? Nagtaka na ako, sinundan ko siya. Binitawan ko ang dala kong banyera at tumapon ang mga yelong laman nito. Nagulat pa si Aling Tesa ng tumilapon iyon sa kanyang paanan. Naalala ko pang lumingon ako sa kanya at minura ako. Hindi ko siya pinansin ganun naman talaga siya, karugtong na ng dila niya ang pagmumura.
Hindi ko nasundan saan siya huling lumiko. Napakabilis niya. Tila may tinatakasan siya, ano kaya ang nangyari? Napakabilis niyang naglakad. Saan ba siya papunta? Sino ang nakita niya?
YOU ARE READING
He Was A She: The Happiness Of Pain
RandomWhen can happiness be painful? When can pain be a source of happiness? Ano ang kaya mong gawin para mapansin. Kakayanin mo bang kalimutan ang iyong sarili para maging kapantay ang higit na mapapansin sa kanyang paningin? A prequel to the story that...