Chapter 2

3 0 0
                                    

Timy's POV

Everybody gets high sometimes you know

What else can we do when we're feeling low

Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko. Naghikab ako at nag-unat.

So take a deep breath and let it go

We shouldn't be drowning on your own

Kinuha ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko at pinatay ito.

Naghikab muli ako, "Haaaaay, inaantok pa ako,"

Tumayo na ako sa higaan at niligpit ang pinaghigaan ko. Naligo, nagbihis, kumain, at nagtoothbrush. At ngayon ang first day ko sa Javier University.

Papasok na sana ako sa gate ng may tumawag sakin mula sa likod ko. Si Jasper pala.

"Bakit?" ngumiti ako.

"Kanina pa kita hinihintay e,"

Nagulat ako, "B-bakit mo n-naman ako h-hinihintay?"

Ngumiti siya ng malapad, "Siyempre baguhan ka lang dito. At starting today, masanay ka nang ako na ang lagi mong kasama okay?"

"O-okay," tumalikod na ako pero sa pagtalikod ko, may nakabungguan ako.

"Sorry," ngumiti siya.

Nanlaki ang mga mata ko. Sheet of pad paper! Ang gwapooooo!

"O-okay lang," ngumiti ako at tumingin lang sa kanya.

Bumalik lang ako sa realidad ng may umakbay sakin, "Halika na Timy. Malalate tayo." at dali dali akong hinila ni Jasper habang akbay niya ako.

Nang makalayo kami ay dali dali kong tinanggal ang pagkakaakbay sakin ni Jasper.

"Ba't moko inakbayan?!" tanong ko.

Inakbayan niyang muli ako, tinignan ko siya ng masama, "Ano naman? Wala namang masama kung akbayan kita. Para naman 'tong hindi aports . Tara na nga!" at hinila niya na naman ako -_-

Nang makarating kami sa room namin ay pumasok na din kami. Ilang sandali pa ay dumating na din ang prof namin.

"Good morning," mataray niyang sabi.

"Good morning Ms,"

"Where's Ms. De Ocampo?" tanong ni Ma'am kaya napataas ako ng kamay, "Mabuti at nakahabol kapa. Ayoko ng nalalate sa klase, naiintindihan mo ba?"

"Y-yes M-ms," sabi ko nalang kahit na kinakabahan sa tono ng pananalita ng prof namin.

"Don't be nervous. Ganyan lang talaga 'yang si Ms. Yna, tumanda kasi ng dalaga," bulong sakin ni Jasper na siyang katabi ko ngayon.

Lilingunin ko sana si Jasper ng biglang bumukas ang pintuan at may isang gwapong nilalang na hingal na hingal na nasa labas.

Teka.. S-siya yung nakabungguan ko k-kanina ah?

"Good morning Ms. Yna . I'm sorry I'm late." nginitian niya si ma'am at kinindatan.

O_O Say WHAT?

"May kindat kindat pa siyang nalalaman, tss." bulong ko sa sarili ko. Pero infernes..

Ang pogi niya dun hihi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon