[1] First Snow

35 3 4
                                    

"Meron nga pala kaming practice sa 26 para sa Gayo Daejun tapos alam mo nung inannounce yun, laughtrip yung mukha ni Sehun XD hahaha, uy.."

sinundot ko yung pisngin ni Yanna, parang di kasi siya nakikinig sa kinekwento ko eh.

"A-ano ulit?" sabi na eh.

"May problema ba?" umiling siya pero alam kong meron.

Nagpatuloy lang ako sa pagkkwento kahit alam kong may mali sa kaniya.

"Oh pagkauwi mo, matulog ka agad ah? Wala kang tulog kagabi eh" pagpapaalala ko sa kaniya bago siya umuwi. Kaya rin siguro parang wala siya sa sarili ngayon kasi puyat siya.

Siguro nga.

I kissed her goodbye and she started crying.

Sabi na may problema siya eh.

"Hey, Why?"

"Wala, ang lamig kasi ng hangin kaya naluha ako. Magpapasko na nga. Malapit na magsnow eh" at ngumiti siya pero di ko alam. Parang may mali talaga eh.

Lumakad na siya palayo sakin.

I grabbed her hand and twirled her around.

I wrapped her in my arms.

"C-Chanyeol"

"Niyayakap kita para di ka na lamigin" umiyak na naman siya.

"Bakit? Malamig pa rin ba?" sinakyan ko na lang siya.

"T-Thank you, Chanyeol"

After that moment, di pa siya umuwi.

She asked if we can stay a bit.. Of course, we can.

Pero nag-aalala na talaga ako eh. Ngayon lang siya nagwish ng ganyan.

*

December 2012 - First Snow ngayong year

Nagsnow na pero di ko pa rin alam, ireregalo ko sakaniya.

Gusto ko kasi maiba yung regalo ko sakaniya ngayon.

Gusto ko naman yung pinaghirapan ko.

Napatingin ako sa table at nakakita ng sandamakmak na papel.

Alam ko na!!

Gagawan ko siya ng 100 paper cranes.

Medyo napapagod na ko pero di ko pa rin to ititigil.

Mas espesyal yung regalong pinaghirapan.

Nakaka-70 na ko ng biglang may tumawag.

Si YANNA!!

Tuwang tuwa kong sinagot.

"Jagiya!! A--"

"Chanyeol." binanggit niya ang pangalan ko sa tonong seryoso.

Miss na siguro ako neto hahaha.

"Bakit, Yanna?"

 "I love you.."

"H-ha? a-alam ko naman yun eh." 

"That'd be second to the last"

"H-ha? Anong Second to the last? Yung alin?"

"Chanyeol.. Malapit na  kayo magdebut. Ngayon pa nga lang busy ka na eh, Pano pa kaya pag nagdebut na ang grupo niyo. Kailangan mong magfocus sa career mo. Ayoko naman na makokonsensiya ka dahil wala ka nang panahon sakin. Lalo lang tayo mahihirapan pag hindi ko 'to ginawa."

"A-ano bang sinasabi mo?"

"Chanyeol, Im breaking up with you."

"W-what? Hahaha, Yan ba yung linya mo sa---"

"I'm sorry, Chanyeol. I care for you that's why I'm doing this. I love you so much, Chanyeol. This'd be the last.."

After she hung up, my world has shaken up.

Sana panaginip lang to, kinurot ko ang sarili ko pero di ako nagigising. 

"Haha, Grabe, Yanna. Ano na lang gagawin ko dito?" I took a deep breath and continued folding paper cranes.

*

December 2013

Isang taon na ang nakalipas but I still can't get over you.

Sabi ni Suho hyung, ibigay ko nalang sa susunod na girlfriend ko yung mga paper cranes na iniligay ko sa isang bote pero alam kong di ko yun magagawa.

Kasi tuwing nakikita ko yung mga paper cranes, parang sariwang sariwa pa rin ang sugat.  Parang kahapon lang nangyari.

Nagdebut na ang grupo namin at sumikat pero di ko pa rin nakakalimutan ang araw na yun.

Nakwento ko pa nga yung storya natin sa isang radio station. Ngayon, alam na ng lahat ang storya natin.

May mga nagalit sayo pero, ako mismo, di ko magawa.

Isang taon na din kitang hindi nakikita.

Napapaisip tuloy ako. Pag nagkita kaya ulit tayo, will my tears fall?

O baka nga magmukha akong tanga.

Gusto kitang batiin ngayon ng Merry Christmas, Hello, at Kumusta ka na?

Naglakad na ako pauwi pero dumaan muna ako sa park kung saan tayo huling nagkita.

Habang nagmamasid,nakakita ako ng pigura ng tao.

Dalawang tao na mukhang mahal na mahal ang isa't isa.

Si Baekhyun hyung ..

at ikaw.

Gusto kong magalit pero anong karapatan ko?

Isang taon nang hindi tayo.

"Chanyeol!!" Napatingin ka sakin nung tinawag ako ni Baekhyun.

Halata sa mukha mong nagulat ka.

Ako rin, Yanna. Di ko inaasahan.

Hiniwalayan mo ko dahil sabi mo magiging busy na tayo sa career natin.

Pero bakit pinalit mo si Baekhyun hyung?

Hindi ba kita naaalagaan ng maayos nun?

Siguro nga, sana alagaan ka ng maayos ni Baekhyun hyung. Di tulad ng ginawa ko sayo.

"Siya yun sinasabi ko sayo, bro! Girlfriend ko, si Yanna" ngumiti ka sakin habang pinapakilala ka sakin ni Baekhyun hyung.

Paano mo nakakayanan ngumiti? Samantalang ako, halatang ngiti eh napipilitan.

Pinipilit na wag manginig habang sinasabing, "Merry Christmas! Kumusta ka na?..."

Miracles In DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon