Confused

37 3 0
                                    


"Hi Bes! I miss you." ani ng kaniyang matalik na kaibigan na si dos.

"Tumahimik ka nga. Ang aga aga ng bubulabog ka!" muling humiga si jensey sa kanyang higaan ng makita ang kanyang bestfriend na naka upo sa paanan ng kanyang kama. Alam kasi nito na yayayain lamang siya nito na mag mall maghapon.

Bakasyon ngayon kaya naman araw araw siyang kinukulit ng kaibigan na gumala sa labas.

"Eeehhh. Bes naman kasi eh. Sige na please?" lumapit ito sakanya at niyugyog ang kanyang katawan.

Sa pag lapit nito ay mas lalo niyang nakita ang magandang hubog ng mukha ng kanyang kaibigan. Ang matangos na ilong, ang kanyang mga mata na parang tinatawag ka at ang mapupulang labi nito.

Matagal nang nagagandahan si jensey kay dos. Hindi niya man sabihin ay maraming nakaka pansin sa magandang dalaga.



"Aray!" muli siyang bumalik sa sarili ng pitikin siya nito sa noo.

"Hindi ka naman nakikinig eh!" bigla itong tumalikod at nag cross arm.

Napabuntong hininga na lamang siya at umupo sa kama. Niyakap niya ito sa likod at sinabi ang mga katagang mag papasaya sa dalaga. "Oo na."

Humarap ito at sa hindi inaasahang pangyayari ay lumapat ang kaniyang labi sa dalaga. Gulat ang parehong naramdaman ng dalawa. Walang gumagalaw hanggang sa hinalikan siya uli ng kaniyang kaibigan.

Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Mahal niya ang kaniyang kaibigan ngunit hindi niya alam kong pag kakaibigan pa ba ang nararamdaman niya o iba na.

Tinulak niya ng bahagya si dos at lungkot ang rumehistro sa mukha ng dalaga.

"Mali ito. Umuwi ka na muna bes. I'm sorry." tumayo si jensey at dumiretso sa banyo. Ayaw niya mang saktan ang dalaga ay wala na siyang ibang magawa. Mahalaga ito sakanya at ayaw niyang mawala ang dalaga sa kaniyang buhay.

Umalis ang dalaga na umiiyak. Mahal nito ang binata kaya naman ay kinagat na niya ang pagkakataon kanina upang mahalikan ito. Gusto man niyang sabihin ang nararamdaman sa binata, hindi niya magawa dahil sa lungkot na naramdaman sa ginawa ng binata.

Binuksan ni jensey ang kaniyang shower at napatulala sa hangin habang dumadaan sakanyang katawan ang malamig na tubig. Hindi niya maintindihan ang nasa loob loob niya. Gusto niya na ayaw ang nangyari kanina.

Ayaw niyang umasa sakanya ang kaniyang matalik na kaibigan sa hindi niya siguradong nararamdaman.

Gusto na niya ba ito? O matagal na niyang mahal ang kaibigan ngunit ang iniisip lamang niya noon ay dahil sa ito ay ang kaniyang matalik na kaibigan.




The End!

Vote and comment guys.

ConfusedWhere stories live. Discover now