Ice cream.

983 55 18
                                    

This is just a pure fanfiction. I got it on Asian fanfics. Pero iniba ko, Si Seulgi ang flirt dito at si Irene ang vendor. At syempre, it's Tagalog. Im such a trash you know. At iniba ko naman ito. Pinagkunan ko lang ng idea yung nasa Asian fanfics. Again, thank you for reading it! 💓💕

- - -

Ice cream.

"Seulgi eonnie!"

Napatingin si Seulgi sa tumawag sa kanya.

Napangiti sya nang makita ang kapatid nyang si Yerim, "Unnie. Saan ka pupunta?" Tanong ng nakababata nyang kapatid. Nakanguso ito sa kanya na parang bata. Seulgi smiled.

"Dyan lang sa tabi tabi, maghahanap ng chix. Hehe."

Hindi naman lingid sa kaalaman ni Yerim na babae din ang gusto ng nakakatanda nyang kapatid. Tanggap naman nya ito. Alam naman nyang malandi talaga ang kapatid nya dahil halos lahat ng babae na dumadaan sa harap nito ay nilalandi nito. Ultimo kahit sa mga teachers na maganda, nagpapacute ito.

"Unnie! Sasamahan mo ko sa Ice cream parlor. Itetreat mo 'ko, remember?"
Yeri rolled her eyes. Taray ng lola nyo! Halatang nayamot dahil nakalimutan ni Seulgi ang pangako nito sa kanya.

Napakamot naman si Seulgi sa ulo nya at napatawa. "Ay," Nasabi nya. Nakalimutan nya talaga ang tungkol sa lakad nila ni Yeri. "Oo nga pala! Sige. Magbihis ka na. Pupunta tayo sa Ice cream shop."

- - -

Huminga ng malalim si Seulgi pagbaba nila sa kotse. Nasa tapat na sila ng Ice cream shop.

"Unnie! Gusto ko ng mint flavor. Samahan mo na din ng avocado." Sabi ni Yeri. Tumatango tango naman si Seulgi at pinaupo na si Yeri.

"Yeah yeah, I know. Maupo ka na at ako na ang oorder."

Pumunta si Seulgi sa counter. Napatingin sya sa magandang dilag na nandoon at nanlaki ang mga mata nya. Lumakas ang tibok ng puso nya— na hindi naman nya nararamdaman tuwing nakakakita sya ng mga magagandang babae.

Bago ito kay Seulgi. Oo, naa-attract sya sa mga kapwa nya babae pero hindi nya naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso nya. Tanging bumilis lamang ang tibok nito nung matingin sya sa babaeng nasa counter.

Inlove na nga ba sya? Pero hindi pa nya nakakausap ito. Mukhang masungit pa ang magandang babae. She didn't know that it is possible to fall inlove with a person… by just looking at them, once. Love at first sight nga ba ito?

Lumapit sya sa babaeng maganda na nasa counter at halata namang dun ito nagtatrabaho.

"Hi, miss." Pinakita ni Seulgi ang killer smile nya pero parang hindi naman naapektuhan ang babae. Cold na nakatingin lang ito sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ice cream | seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon