" ang gwapo ko no ?" Pagyayabang nanaman nya sakin . minsan nagtataka ko bakit hindi pa ko tangayin ng malakas na hangin dito ?
" oh please ' kilabutan ka nga sa sinasabi mo , itigil mo na ding yang pagtitig mo sa salamin mababasag na yan" baling ko sakanya habang binabasa ang notes kong sinulat kanina lang
" sus di yan , ang ganda kong lalake 'kainis" hinawakan nya pa talaga yung pisngi nya at hinimas himas yun . aminado akong napaka kinis nga ng mukha nya pero hindi dahilan yun para mabaliw sya dyan -_-
" tsk kumain ka nga nang tama minsan tapos mag simba ka rin lagi ha" suggest ko naman sakanya nako kung hindi ko lang talaga to mahal tinadyakan ko na to papuntang disyerto para lumamig naman dun dahil sa kahanginan neto
lagi pang may dalang face powder kung di ko lang to kilala iisipin kong bakla to . kaso hindi rin siguro , masyado kasi syang gwapo plus may abs kaya imposible
" chelle bat di ka pa nagkakaboyfriend ?"
tanong tanong ka pa dyan . kainis ka
"d mo pa kasi ako nililigawan"
ngumiti si loko kala nya pag sinasabi ko yung mga gantong bagay nagbibiro ako
" kinakabahan kasi ako "
aba ?! sinakyan naman ako ni gago
" bakit naman ? torpe ka ?"
" hindi , baka kasi magsawa ka sakin "
hindi ata mangyayari yun no ! kasi mahal kita ! mahal kita ! maliban nalang kung forevs mo na kong paghihintayin sayo , aba ang ganda ko lang para mag hintay habang buhay no
" wag kang magdrama , alam ko namang pasasayahin mo ko at ako lang mamahalin mo ganun lang hinding hindi kita pag sasawaan"
yung itsura lang namin parang seryosohan . hayyy nako sana nga lang talaga kasi ako Seryoso ako, i repeat SERYOSO ako !
Ilang sandali syang tumahimik at tuloy lang sa pag sasalamin binalik ko nalang ulit ang atensyon sa pagbabasa
" ayan na pala sya " napatingin naman ako sa direksyon na tinitignan nya
pero maling mali ang ginawa ko , bigla lumakas yung tibok ng puso ko .. alam kong hindi yon maganda .. kasi isa yung kutob ...
" chelle si lejane nga pala girlfriend ko " pakilala nya sakin
seriously ? nyeta sabi na nga ba isang kagaguhan nanaman
" anong trip mo ?" sabay fake smile alam kong hindi sya nagbibiro pero ayoko ... ayokong marinig mula sakanya yung totoo
" ano ka ba chelle , totoo to no girlfriend ko na nga si lejane " si lejane na isang cheerleader dito sa university namin alam kong nililigawan nya to kasi nasabi na nya sakin , blockmate ko sya at alam na alam kong maraming syang manliligaw at sa kasamaang palad si mark ko pa napili nya
" congrats daddy " bilib na talaga ko sa sarili ko pag dating sa actingan may advantage talaga pag sali ko sa drama club eh " well kailangan na nating mag divorce .. "
mommy at daddy kasi tawagan namin .. nagsimula yun nung 3rdyear high school kami .. daddy kasi lagi nya kong tinutulungan at sinosoportahan , mommy kase daw lagi ko syang sinesermunan
nginitian naman ako ni lejane well hindi ko matatangging bagay nga sila .. dyosa at adonis sa harap ko , dyosa din naman ako ah ? tsk . well mabait naman si lejane at matalino pa alam kong hindi nya pababayaan at ipagpapalit ang lalaking matagal ko ng pinapangarap
" congrats lej , ingatan mo ex husband ko " pilit na pilit ang ngiti ko sakanila wow lang gusto kong umiyak !
" sure , i will "
BINABASA MO ANG
Wag kang Lalapit ! Hahalikan kita
RomanceMinsan tayong mga babae hindi natin napapansin na ang akala nating kaibigan ay may lihim palang pag tingin satin ♥♥♥ Mahal mo sya ~ pero mas mahal ka pala nya MATAGAL NA.