Mansyon

45 3 1
                                    




Hingal na hingal ako nang magising ako kaninang umaga.Nanaginip na naman ako.Hindi ko na iyon masyadong inisip,bagkus ay mas pinagtuonan ko nang pansin ang pagkikita namin ng pinsan kong si Kaeden.

Kasalukuyan akong naliligo nang tumawag si Kaeden at sinabing magmadali na ako at hinihintay na niya ako sa labas.Hinagilap ko ang aking maong shorts at white crop top.Naglagay ng konting pulbo at lip balm.Hindi na ako nag abalang mag blower ng buhok dahil naiinip na si Kaeden.Bumaba ako at naabutan sa Kaeden na nagsisindi ng sigarilyo at nakadekwatro ng upo.

"Hi."I greeted him with a smile.

Hindi siya sumagot kaya dumiretso ako sa counter para kumuha ng bread at freshmilk.Mabilis akong natapos at niyaya si Kaeden na lumabas na para maaga kaming makarating sa aming destinasyon ngayon.Tahimik kaming lumabas at dumiretso sa kanyang kotse.

I smiled awkwardly at him nang magtama ang paningin namin.Una siyang umiwas at umupo sa driver seat.Umupo narin ako sa front seat at nilagay ang aking headset sa aking tainga.Tahimik ang buong byahe hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

"Mira,andito na tayo."malamig na tugon niya.

Unang bumungad saakin ang isang napakalaking bahay.Dalawang palapag lamang ito ngunit mababatid mong napakalaki nito.Kitang kita ko ang malalaking poste nito.Sa labas ay isang napakalaking gate na may nakasulat na "El Siento" and that is my middlename,probably pag aari nito ng mga ninuno namin.

Naunang pumasok si Kaeden kaya nagmadali kong ayusin ang nagulo kong buhok.Pinagbuksan kami ng mga katulong dahilan upang agad kong natanaw ang napakalaking chandelier.Halatang lumang luma na ito dahil sa medyo maalikabok pa ito.Now I wonder kung nililinis nga ba ito ng mga katulong dito?

Hindi ko na alam kung saan nagtungo si Kaeden.Inanyayaan ako ng isang katulong na umupo nalang muna sa isang lumang sofa.Tinitigan ko ng mabuti iyong babaeng lumapit saakin kanina, iyong katulong.Batid kong ramdam niya ang mga titig ko kaya di nagtagal ay umiwas rin ako.Ramdam na ramdam ko ang pag iwas niya sa bawat titig ko.Hindi ko alam pero ramdam na ramdam kong may mali.

Di nagtagal bumaba rin si Kaeden."Pumunta raw muna si Lola sa Munisipyo,malapit lang diyan"

Tumango ako.

Hindi na siya muling nagsalita pa.Umupo rin siya sa sofang kaharap ko.I find it akward.Syempre wala siyang imik,tapos nasa harapan ko pa siya.Tinagilid ko ang ulo ko para sana matulog nang magsalita siya.

"So,how's your studies in Manila?"panimula niya na ikinagulat ko naman.

"Okay lang."kunwari ay matapang kong sabi,kahit sa totoo'y nanginginig na ako sa takot.

He nodded in response.Hindi siya nagsalita.Kinuha niya ang kanyang cellphone at may tinawagan.

"Excuse me."

I nodded.

Mayamaya lang ay narinig ko ang pagbusina ng sasakyan sa labas.Umupo ako ng maayos at inayos ang sarili.

"Hija."Sa sobrang pagkabalisa ay hindi ko na namalayang may isang matanda na palang nasa harap ko.Wearing a black whole dress and a pair of black boots aakalain mo talagang isa siyang mangkukulam.But I doubt it.Kahit mababatid mong matanda na siya,para parin siyang batang tingnan through her make up.

Nang mapansin niyang naguguluhan ako sa kaniyang presensya ay siya na mismo ang nagpakilala sa kanyang sarili.

"Vienilda El Siento."Oh!Weird name.

My thoughts are interruped when she said,

"Mother of Amyla Vienice El Siento.Welcome to the family hija."dagdag niya na ikinagulat ko.

Isang napakalaking halakhak ang kaniyang pinakawalan,na nagdulot upang magdilim ang aking paningin.

[ON-GOING] MIRA'S SOULWhere stories live. Discover now