Hindi ba kayo pinapansin ng crush niyo? yung feeling na mapapasabi ka na lang talaga na "Crush I Exist" sa sarili mo dahil hindi ka niya pinapansin, yung feeling na parang baliw ka na sa kakangisi tuwing makikita mo siya ngunit parang wala lang siyang pakialam, kasi naman girl hindi niya alam no. Wala siyang kamalay-malay sa feelings mo. Yung feeling na lilibutin mo ang buong campus para makita lang siya, tapos mag-rereklamo ka pa kapag bigo kang makita siya, kesyo lumalaki na ang binti mo sa kakalibot sa buong campus, yung feeling na nagrereklamo na ang kaibigan mo sayo dahil sa kakasapak mo sa kanila tuwing makita mo siya, may ganun talaga eh yung mga amazona diba? hahaha. Kaya heto at bibigyan ko kayo ng ways para mapansin kayo ng crush niyo, you can try it, it's just easy, yup easy lang guys saka tested in reality ang iba kaya pwede niyong i-try wala namang mawawala diba? So go lang ng go. Wag mawalan ng pag-asa mapapansin rin kayo ni crush. Sabi nga nila diba? Habang may buhay may pag-asa.