Numero Uno

8 2 0
                                    

"So kumusta na kayo"

"Kami? Nah, kung kami talaga kami talaga magkakatuluyan in the end"

"Ano ba kasi nangyari?"

"Maybe we're inlove in a wrong time, and in a wrong place"

"Bakit?"

"Wala.."

Yun nalang nasabi ko nung tinanong ako ng kaibangan ko. Wala- lagi kong ginagamit, pag tinatamad ako mag explain or ayoko ng mapaiyak.

Wala kasi umalis ako

Wala kasi napaka Idealistic ko

Wala kasi akala ko hahabulin niya ko

Wala kasi nag expect ako

Wala kasi tumigil siya

Wala kasi naging cold ako

Wala kasi............ walang kami.

Oo wala naman talagang kami eh. Ewan ko ba but I feel so lost this past few weeks. Feeling ko I'm all alone, na iniwan nako ng lahat. Nakakainis kasi everynight wala akong tulog. Buti nalang Sembreak na namin. Lagi nalang akong nag ooverthink. Feeling ko nga nababaliw nako. Umiiyak ako sa Cr, sa kwarto, sa Sala, habang naliligo. Hindi yung iyak na pa char char lang, yung hagulhol, damang dama ko pero no particular reason. Wala lang, gusto ko lang umiyak. Mabigat lang pakiramdam ko. Diko ma explain, basta ang alam ko lang dapat iiyak ko to kundi ikakamatay ko to, sounds unbelievable right? Pero trust me, napakahirap.

Turning 17 nako in two days. Plano ko? Ayoko lumabas ng bahay, ayoko mag facebook, ayoko mag twitter, mag instagram. Yung gusto ko, personal nila akong babatiin.

Pero malayo pala ako samin since nandito ako nakipagsapalaran sa Manila para makapag-aral. Mahirap but since choice ko to panindigan ko nalang.

Napatingin ako sa alarm ko 1:00 am na pala. Ilang araw nakong puyat. Actually almost 2 weeks na. Ang itim na ng eyebags ko.

"Active 11 minutes ago"

Chat ko kaya siya?

Ano naman sasabihin ko?

Ready kaba sa sagot niya?

Kakayanin mo ba pag iseen ka lang niya?

Kakayanin mo ba pag sticker lang reply niya sayo?

Pano pag replyan ka niya ng "Wag mo nako ichat"

na "Wag kana mag aapproach sakin, masaya nako."

na "Ba't kapa nag chat?"

na "Wag ako iba nalang"

na "It's over."

na "Wala kanang babalikan"

na "Sorry, iboblock na kita"

Ang pinaka worst

"Sino ka?"

Napaka OA diba? Hahaha pero pano nga pag isa sa mga yan yung reply niya? Kaya mo kaya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SWAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon