Sana Ako na Lang Sya....

25 0 0
                                    

Hi :)) Ako nga pala si Christian pero mas kilala sa tawag na "Chanoy". Gumawa Ako ng istorya na makakarelate ang mga taong may napupusuan na ngunit hindi magawang ilabas ang tunay na nararamdaman dahil nakatali na sila sa iba at sa mga taong may nagugustuhan na ngunit nakatali na sa iba ang napupusuan nila. Sana Mag Enjoy kayo sa Short story ko :)) 

Kakagraduate ko palang ng College nang ma-Absorb ako ng Kumpanya na pinag OJT-han ko. Ako nga pala si Kris, 21 years old tubong Pasig. Sakto lang ang klase ng aming pamumuhay. Nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw ngunit madalas hindi kumpleto sa hapag ang aming pamilya. Ang aking Ama ay may nagtatrabaho bilang Factory Worker at ang aking Ina bilang Diswasher sa malaking Palengke sa aming lugar. Magkasama nilang tinataguyod ang buo naming pamilya sapi ng aking tatlong kapatid kaya bilang ganti, matataas na Marka ang ipinakikita namin sa kanila kayat pinagbuti ko hanggang sa naka Graduate ako ng college nang hindi nawawala ang aking pinagkaiingatang Scholarship. Mayroon narin akong kasintahan, Si Tina, 21 taong gulang dalawang buwan lang ang tanda ko sa kanya. mula pa nung high school ay magkarelasyon na kami. Mabait si Tina. Nasa kanya ang mga katangiang kapansin pansin para sa akin. Naging Matibay ang aming samahan mula po nung high school pa kami.

Nang dumating sa puntong parang isang aksidente na parang sisira sa pagsasamahan natin at ito ang aking kwento.

Isa akong IT staff sa aming kumpanya. 

Maraming tumatawag sa amin kung mayroon silang problema sa Computer nila. Kasama ko sa aming Opisina ang aking mga Boss nung OJT palang ako pati na rin si Lena, 23 taong gulang. Maganda si Lena, mabait masayahin at sobrang kulit. Isa rin syang staff sa kumpanya. Tama lang ang taas nya. Unang tingin ko palang sa kanya ay ipinagbabagay ko na kaming dalawa. Saktong sakto lang ang katawan nya. Parehas kaming payat ay konti lang ang lamang ko sa tangkad. Nung malapit ko nang matapos ang Oras ko bilang Training sa kumpanya ay natanggap sya dito bilang IT staff din kayat mejo may katagalan na rin nung kami ay magsimulang magkatrabaho at ang kanyang mga kilos at katangian ay syang nagpahanga rin sa akin. 

Isang araw, Sabado, alas singko na ng hapon kaya tapos na ang Office hours.

Nagkayayaan kaming mga magkakatrabaho na mag hapi hapi muna. Napagpasyahan namin na pumunta sa bahay ng isa naming katrabaho, sya ay si Stephen, magkasing Edad lang kami. Halos ahead lang sya ng 3 weeks sa akin kung sa edad ang pag-uusapan. Sabay din kaming na Absorb sa kumpanya dahil parehas kaming naging OJT nito. May kalakihan ang bahay nila. Yari sa Semento ang mga haligi nito maging ang kisame.  

"Pangarap ko ring magkaroon ng bahay na ganito" sabi ko sa sarili ko.

Matagal na nga kaming magkasama sa kumpanya ngunit unang beses ko palang na makapunta sa kanila. Natuloy kaming mga magkakatrabaho kung kayat nag txt ako kay Tina na magkakasiyahan lang kami saglit ng mga katrabaho ko tutal wala namang pasok bukas dahil linggo. Agad syang pumayag sa paalam ko sa kanya. Malaki naman kasi ang tiwala nya sa akin dahil sa tagal naming magkarelasyon ay wala pang nagiging isyu sa pagsasamahan naming dalawa kayat tuloy ang saya. Ipinaghanda kami ni Stephen ng aming makakain syempre hindi mawawala ang alak at pulutan. KKA ang systema namin, ibig sabihin ay kanya kanyang ambag para walang lugi at Ito na ang naging pinagmulan..

Sa kalagitnaan ng kwentuhan at kantahan, magkatabi si Lena at Stephen. Mula pa naman nang magsimula si Lena bilang IT Staff sa kumpanya ay madikit na sya kay Stephen. Pansin ko nga lagi na sa twing Lunch break namin ay si Stephen lang ang lagi nyang niyayaya upang kumain. Ewan ko ba ? hindi kasi kami nagkakasabay-sabay kumain ng Lunch kapag hindi ako ang nagyayaya. Minsan nga iniisip ko kung ano bang meron sa akin at ayaw nya kong yayain upang makasabay mag lunch o magmeryenda man lang. Kahit nga pag tapos na ang office hours at uwian na ay pansin kong nagpapaalam sya sa lahat bukod sa akin kung uuwi na sya.

Eto na nga, Magkatabi sila at kinukulit kulit nya si Stephen.

Hindi ko lang masyadong pinansin ang mga pinagagagawa nya dahil sobrang kulit naman nya talaga sa Opisina. Hindi ko inisip na lasing na sya, ang inisip ko na lang ay natural naman nya kasing gawi ang mga ganyang bagay. Nagtagal syang ganon parin ang ginagawa kay stephen. Marahil dahil sa Paghanga ko nga kay Lena ay may katiting na Selos akong nararamdaman dahil sa ginagawa nila.

"Bakit ba ganito ? pakiramdam ko ay parang naiinggit ako kay Stephen ?" 

"Sana ako nalang ang nasa pwesto nya" bulong ko sa sarili ko.

Dumaan ang bawat sandali at mukhang Lasing na si Lena. Nagkayayaan na rin ang kami na maguwian na. Dahil lasing na nga si Lena ay napagpasyahan namin na ihatid nalang sya sa kanila. Hindi na namin nakasama si Stephen dahil sya na daw ang maglilinis na mga kalat namin sa kanila. Sa Gate palang ng bahay ni Lena ay nagpaalam na ang mga katrabaho ko na mauuna na silang umuwi dahil madaling araw na kung kayat ako na ang naghatid sa kanya hanggang Pinto. Sa pintuan ay nagpaalam na ako kay Lena na mauuna na rin akong umuwi.

Tumalikod na ako at bahagyang nakahakbang na palayo nang hawakan nya ang aking braso at parang may ibinubulong.

Nang tinanong ko sya kung anong sinabi nya,

"Baka Gusto mo munang uminom ng Kape ?" sagot ni Lena.

Syempre dahil sa nakainom ako at pra mabawasan na rin ang aking Hang Over ay hindi na ako tumanggi. Pumasok kami sa bahay nila. Sya lang pala mag-isa ang nakatira doon. Nasa Probinsya ang mga magulang at kapatid nya at nagpapadala nalang sya ng Pera. Nalaman ko rin na wala pa palang kasintahan si Lena simula pagkapanganak. (NBSB - No Boyfriend Since Birth) kumbaga..  

Habang humihigop ako ng mainit na kape ay  

"Sa Ganda mong yan hindi ka pag nagkaka Boyfriend?" hehe sambit ko sa kanya na parang gasgas na yata ?.

"Hindi pa talaga. Eh ikaw ? Gano na kayo katagal ng Girlfriend mo ? Mahal na mahal mo sya noh ?".  

"OO naman. Halos 8 Years na kami". 

"May balak ka pa bang maghanap ng Iba ?" 

Bigla akong napalunok. Napatigil saglit at sabay sabi ng "Hindi na no ?. Gustong gusto ko yun at alam kong hindi ako lolokohin nun" sambit kong mejo napipilitang ngumiti

"Ah saglit lang, Ipagtitimpla pa kita ng isa pang tasa ng kape.".

Tumayo si Lena ng Bigla bigla at parang walk out pa ang tema ng pagtayo nya."Ah sigeh salamat ah". Sagot ko naman sabay higop ng mejo malamig ko nang kape.

Hinintay ko si Lena sa sala nang mahigit kalahating oras ngunit hindi parin sya bumabalik. Nagtaka na ako kayat tumayo na ko at sinilip ko sya. Nakita ko nalang sya na nakaupo sa upuan sa loob ng kanilang kusina at parang lumuluha. Lumapit ako sa kanya at nakumpirma ko na lumuluha syang talaga. 

"Bakit ? Anong Nangyare ?" Tanong ko sa kanya.

"Yung Girlfriend mo, Tina ang pangalan nya diba ? anong bang katangian meron sya na wala ako ? ".

"Ahhh ? ? Ahhm . . ano bang sinasabi mo Lena ?".

"Ganyan ka ba talaga ? O sadyang Manhid ka ? Gusto kita Kris! Gusto kita!"

..........................TO BE CONTINUED......................................

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sana Ako na Lang Sya....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon