Unexpected.

70 0 1
                                    

Siguro nga tama sila..

"Try to expect the UNEXPECTED and UNEXPECT the expected."

 -----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ako si Carliz..

Asar nga ng marami...... napag-iwanan nadaw.

Kasalan ko bang hindi muna magboyfriend? Na hindi muna isipin ang mga bagay na yun kahit ngayong 26 na ang edad ko? Hindi pa naman masasabing matandang dalaga diba?..

Kung bakit nga ba napaka mapagbiro ng tadhana at nakilala ko si Migs.

Si Migs?

Loko yun eh.. Asar dito, asar don. Haaaay... Ang angas niya! Nakakaasar! >,<

At hindi lang yon.. Hilig na niya ang mangloko ng mga babae. Ewan ko ba at napakarami ang nahuhulog sa kanya.. Pero in fairness naman sa kanya.. totoong may ipagmamalaki siya. Pogi nga, at habulin talaga. Ay ewan! Basta ayooooko sa Migs na yun. Ayoko sa kanya. PERIOD!

 <------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------>

Sa opisina..

Eto nanaman ako.. OT nanaman.. Syempre para sa pamilya ko. Ako rin kasi ang inaasahan sa amin.. Ako ang panganay.. Kaya nga siguro hindi muna pumapasok sa isip ko ang pakikipagrelasyon.. Pero alam ko naman na kung talagang makikilala mo ang para sayo, darating at darating siya.. Sa UNEXPECTED time, UNEXPECTED place at higit sa lahat UNEXPECTED person..

Sa isang iglap...biglang... Brownout!

Paano ako nito? Ako lang dito sa opisina..

Umuwi na silang lahat...

Ano ba naman kasi tong MERALCO na to.. AMP! >,<

Natatakot ako... Hindi ko alam ang gagawin ko...

 ...................................................

"MAY TAO BA???"

-- "WALA!"

"Eh sino ka?"

--"Tao"

"Hindi ako nakikipagbiruan ah! Magpakita ka!"

--"Eh pano pag ayoko?"

"Di wag!"

--"Edi cge.. Pano? Iwan na kita ah? May gagawin pa ko.. Balita ko nga pala maraming nagpapakita dito"

"Ehhhh.. Ano ba? Please naman oh.. Dali na po tulungan niyo na ko makalabas dito sa building na to.. Ayoko na.. Natatakot na ko."

--"Ok.. Basta may kapalit..."

"Ano naman yon?.. Napaka arte mo.. Nako.. Pag nakilala talaga kita.. Amp!"

--"Sige.. Mukang gusto mo nalang hintayin magkakuryente eh.. Sige alis na ko ah.."

"Ano nga?? Kaya nga nagtatanong diba? Grrrrrrr."

(biglang may humawak sa kamay ko)

--"dito ang daan.. Wag kang matakot. Makakalabas ka dito."

 .............................

"Salamat sa pag-alalay sakin ah?"

-- "Wala yon.. Eh ano? Yung kapalit naman? Pano naman yun?"

"ANO?.."

--"Pahingi naman number mo.. Para naman pag ako naman ang natatakot.. Alam kong may mahihingian ako ng tulong.."

"AYOKO! Eh gago ka pala eh.. Edi sana hinintay ko na nga lang magkakuryente! Ayoko! Siguro may pagtingin ka sakin.. ano?"

--"Hahahahaha! Hindi ka din masyadong feeler ano? :D"

"Haynako.. Okay, cge.. Basta siguraduhin mo na tuwing kailangan mo lang ako saka ka lang magtetext. Ayoko ng textmate! Lalo na kung ganyan ang ichura ng katext ko."

--"Ichurang ano? Ichurang artista?"

"ANGAS mo! Grr. Makauwi na nga.. Pahingi papel! Pati ballpen narin!"

--"oh eto... (dali daling inabot)

.....................................................................................................................................................................

Hindi ko rin maalis sa isip ko ang lalaking yon. OO, naiinis ako sa kanya, ang angas niya kasi. Pero bakit ganon.. Hanggang ngayon naiisip ko yung mga nangyari?.. Hmm. Ilang linggo narin nakalipas yung nangyari sa opisina, pero bakit hanggang ngayon inuulit ulit ng utak ko ang ginawa niyang pagtulog sakin.. Kailan niya kaya maiisipan na kontakin ako? Kailan kaya niya ko hihingian ng tulong? Eh bakit naman kasi naginarte pa ko't sinabing pag kailangan niya lang ako pupwedeng kontakin. Haaaay. Hahaha! Ano ba tong nangyayari sakin.. Makatulog na nga! -_-''

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

" Hi Miss. "

..." Hu you? "

" Ilang linggo lang ang nakalipas, limot mo na agad ako. ;) "

..." Eh sino ka ba kase? "

" Ako pala si Migs. Tumulong sayo.. remember? "

OMG. Nagtext na siya. Hindi ko alam irereply ko, ano ba? Waaaa.

..." Ano kailangan mo? "

" Pwede ba kita maging karamay? Kailangan ko ng tulong mo eh "

..." Anong klaseng tulong? "

" Diba ang usapan pag ako naman ang may kailangan, tutulungan mo ko? "

..." Ano ngang tulong kailangan mo? "

" Magkita tayo mamaya sa isang restaurant katapat ng opisina niyo, ayos lang ba? "

..." Ok. Sige. "

Ano kayang tulog ang kailangan niya? Hay. Pero bat parang nakaramdam ako ng biglang saya sa dibdib nang magtext ang lalaking yon?. Ano ba yan! >,< Magkikita kami muli mamaya.. :) Haaay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 28, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon