Paglisan (Part 2)

28 2 0
                                    

Sa paglipad ko ngayon ko lang napansin napakarami nang namatay at nang nilibot ko pa ang aking mga mata nakita ko sina Throne at Dark na nakikipaglaban sa isat isa. Naguguluhan na ako sa nagyayari kung bakit sila nakikipaglaban. Ang pagkakaalam ko kanan kamay ni Dark si Throne. Bakit ngayon ay nakikipaglaban sila? Nakita kong bumubuka ang kanilang bibig sinyales upang silay makipagusap kaso hindi ko marinig ang pinaguusapan nila dahil masyado akong malayo sa kanilang dalawa. Kaya lumipad ako malapit sa kanila upang pigilan sila.

Habang papalapit ako sa kanila kapansin pansin ang magkawasak ng kagubatan na datiy isa itong napakagandang arena. Puno ng mga tipak ng lupa at nagtutumbahan ng mga puno, halaman, at nakakalat na mga bato sa paligid. Wala na rin ang patag na daan dahil sa pagalaw at pagangat ng lupa at ang pagsabog ng mga bulkan. Nang malapit na ako sa pwesto tila isang malakas na pagsabog ang bumungad sa akin kaya huminto mo na ako saglit upang tignan ito. Halos mawasak na ang parte ng kinatatayuan ko ngayon. Malaki ang naging pinsala nito dahil kitang kita ng akin mata ang pagkahati ng lupa sa dalawa.

bakit mo ito ginawa sa akin!? sabi ni King kay Throne.

Tanga ka ba!? Gusto ko ang ang trono mo! Ang lahat lahat sayo! tugon ni Throne

pero bakit?

"alam mo ba kung bakit kita kinaibigan dahil upang makuha ko ang poisyon mo! Kaharian mo! At higit sa lahat ang kapangyarihan mo. Sinunod ko lahat ng utos mo kahit labag man sa kalooban ko! Pero nayon katapusan mo na at magpaalam ka na sa pinakamamahal mong kaharian.""

Iyan ang narinig ko sa pinaguusapan nila ni King at Devil kaya mas lalo akong naguluhan kong sino ang tutulungan ko sa kanilang dalawa. Basta ang alam ko lang kung ano ang tama iyon ang dapat na gawin. Pero ang tanong sino ang dapat kung kampihan ngayon? Hindi ko alam kung sino sa kanilang dalawa ang tama!?

Nahinto ang paguusap nila ng mapansin nila akong nakatingin sa kanila at nakikinig sa usapan nila. Kaya akward akong napangiti sa kanila. Pero nagulat na lang ako ng bigla akong hatakin ni Throne papunta sa kanya at tinutukan ng kutsilyong may dugo pa sa leeg ko. Wala akong naging reaksyon sa ginawa niya dahil para sa akin wala nang saysay ang buhay ko ngayon dahil namatayan na ako. Kaya wala na sa akin kung mamatay man ako ngayon o hindi.

Patayin mo na lang ako.Sabi ko kay Throne. Tilay nagulat pa silang dalawa sa sinabi ko pero kaagad din naman nakabawi si Throne dahil bigla na lang itong napangisi at humahalakgak ng tawa sa likuran ko. Mas diinan niya pa ang magtutok niya sa akin ng kutsilyo kaya nagdugo ang leeg ko at napapikit na lamang ako. Sa pagpikit ko marami akong tanong tulad na ng ngayon na ba? Kapag ngayon na, marami pa akong hindi pa nagagawa sa mundong ito. Marami pang gusto kong tuklasan. At kung susuko na ako ngayon hindi ko tinupad ang pangako ko sa akin kapatid. Kapag sumuko ako ngayon para ko na rin sinukuhan ang sarili ko. Iyan ang mga bagay ang tumatakbo ngayon sa isipan ko sa oras na ito. Naghintay ako ng ilang pang minuto ngunit wala pa rin akong maramdaman na sakit at bumaon sa akin leeg. Doon ko lang napansin na nakikipagsuntukan na silang dalawa. Napansin ko rin na may matulis na bagay na nakatutok sa likod ni Dark kaya tinitigan ko ito ng mabuti, ngayon ko lang na pansin na espada pala ito ni Throne. Ibig sabihin ilusyon lamang ang hawak ni Throne na espada dahil ang tunay ay nasa likod ni Dark. Babalaan ko sana si Dark ng napansin kong gumalaw ito. Hindi ako nagdalawang isip na pumunta sa likod niya para kunin ito pero sa hindi ko alam na panyayari nagiba ang diretsyon nito papunta sa akin hindi ako makaiwas kaagad dahil matuling ang paglipad ko kaya nagsalubong kami at sa akin nasaksak ang espada niya.

Lahat ng bumabagabag sa akin ngayon sa araw na ito biglang naglaho ng tuluyan. At kasabay nito ang pagtama at pagbaon sa balikat ko. Kayat napasuka ako ng dugo at dahan dahan inalis ang pagkakatusok ng espada sa dibdib ko dahil doon hindi ko maiiwasan mapaungol sa sakit. Nang matanggal ko ng tuluyan ito, hinagis ko ito papunta kay Throne at kita ng akin dalawang mata na natamaan siya sa kanyang puso. Tinignan ko silang dalawa ng maigi na tila rin nabigla sa nanyari. Isang napakatamis na ngiti ang iginawad ko sa kanilang dalawa. Bago ako unti unting tumayo sa pagkakahiga ko sa lupa at tumingin sa langit. Hindi ko alam kung ano ano ang mararamdaman ko ngayon. Gusto kong umiyak sa saya? Hindi ko alam naguguluhan na ako. Ano ba ang dapat kong gawin? Ngunit napagisip-isi kong Malapit na! malapit nang matapos ang lahat. Sa gitna ng hindi maipaliwanag na nararamdaman ko ngayon, pinagmasdan ko ngayon sina Dark at Throne na hanggang ngayon ay hindi makagalaw sa kinatatayuan nila. Si Throne na unti unting nagiging abo habang nakatingin sa akin at si Dark na unti unti rin namamatay dahil sa lason ng kemikal na lumalamon sa kanya na malaking anakonda. Ngumiti ako sa kanila habang patuloy na bumabagsak ang luha ko mula sa aking mga mata. Habang tinitignan ko sila naisip kong tama lang ang ginawa ko.

Short Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon