Panget kong Manliligaw

112 9 23
                                    


Ito ay open letter charot! Para sa panget kong manliligaw.

Nakakaloko lang na 'humor' daw itong sinusulat ko pero pang horror ang itsura ng manliligaw ko.

Hindi naman sa pagmamayabang pero magyayabang na rin ako aber.

Maganda naman ako, maputi, not chubby but not also sexy. Matangkad. At kahit pader daw ako. *walang hinaharap. Ay hindi naman patag na patag grabehhh. May konting burol naman. Pero maganda ako. Ano? Sinong papalag?

Eto na nga. Sisimulan ko na ang kwento.

(So? Hindi pa simula yung kanina?)

Prologue palang yun tanga! One shot na nga lang kaya pagbigyan niyo na. Nangenge elam ehhh. Tengene

So, eto na nga. Meron akong manliligaw. Itago nalang natin siya sa aparador, chos. Itago natin siya sa pangalang Totoy Brown.

Anim na taon na siyang nanliligaw. Dinaig ang engineering na mga course sa tagal. At sa anim na taon na yon ay hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na na reject yung put*ang in*ng yon bwahhahaha

Putragis kasi yon ehh. Napakahangin hindi naman pogi. Lakas ng sense of humor hutahhh. Makikita mo palang matatawa ka na hahahahha. Pero pag gabi nakuu, mapapatakbo ka ehh. Pati holdaper natakot sa kanya.

Minsan pa nga biglang hinuli ng pulis, akala takas sa preso.

Hindi rin siya katangkaran 5'4 lang siya at 5'7 naman ako. Hutahhh parang pamangkin ko lang ehh.

Moreno at di gwapo. I repeat hindi talaga gwapo. Nagpakulay pa nga yon ng buhok dati. Nagpa blond si totoy, eh moreno kaya nagmukhang Duracell na battery si g*go.bwhahahhaha

Sa anim na taon niyang nanliligaw. Everyday everynight may good morning at goodnight message ako don. As in walang palya ni isa!

Magtetext sakin yon ng umaga. Dinaig ang Noli me Tangere at El Filibusterismo ni Rizal. Dagdagan mo pa ng punong puno ng emoticon. At ang mga Jejemon sa text na pagkahaba haba mas mahaba pa sa ano niya!

"Gud mohrn 😋😘😗🤗😇🤔M@vhal khowsz.🤓🤓🙈🙉🙊💑👋✋💓💜💛📿👔👕 U 8 nahh vah? Blahh blahhh blahhh hindi ko na maintindihan hutahhh.

Maswerte na siya kung sasagutin ko ng "K." Minsan kasi pati pagbukas ko ng mga message niya kinatatamaran ko na. O dikaya'y paghihintayin ko siya ng umaga at sa gabi ko na ulit itetext.

Pero kahit walang kasusta sustansya mga messages ko sa kanya , ni minsan hindi ko narinig magreklamo yung damuhing na yon.

Kapag hinahatid ako non galing school napagkakamalang stalker yon ehhh. Nung makita nga ni mama. " Anak ang aga pala nung bagong basurero. Ilabas mo na yung basura natin." Habang ako ay humagalpak sa tawa sabay palo pa sa kanya. At ang matinde ay tumingin pa siya sa likod niya. Nung walang makita na ibang tao ay nakitawa nalang rin hahahah.

Sa totoo lang. Maraming nanliligaw sakin. Ayaw ko lang muna sagutin dahil nag aaral pa nga ako noon. Pero dahil graduate na ko ngayon abahh ehh mamimili na ko noh!

Pero jusko! Kung si Totoy ang ikukumpara sa iba kong manliligaw ehh magmumukha lang siyang peklat pag pinagharap harap mo sila! Para ding tigyawat na ang sarap tirisin!

Kaya hindi nangangamba yung mga loko kapag kasama ko si Totoy. Mukha lang daw kasi siyang body guard. Jusko!

Kawawa naman ang mga body guard!

Hahahhaha oo nah! Alam kong lalaitin niyo ko, na napakasama ko kasi mapanglait at mapangmata ako pero bear with me please! Ahahahha dyosa lang


Pero ewan ko kung anong nakain ko. O kung ginayuma at anong pinainom at pinakain sakin ng hinayupak na yun. Put*ngin*ng Totoy na yan. Tinamaan ako ng magaling!

Komportable ako kapag kasama ko siya. Halos maiyak at magtatalon ako sa sakit ng tiyan kakatawa kapag kasama ko si Totoy.

Yung alam mong sobrang witty sa kalokohan yung hayop na yon basta mapatawa lang ako.

Kahit nagmumukha na siyang tanga ehh go lang ng go! Nagbabakla baklan pa yan. Kaya kapag nakikita ng mga bakla, halos masuka din sila ehh. Nasira daw ang pederasyon!

Ngiti ko lang daw yung isukli ko sa kanya ay solb na solb na siya. Ang dami niya na ngang nagawa para sakin pero ako ni isa wala.

Hindi ko talaga mahal si Totoy. Sinabi ko nga sa sarili ko na hinding hindi ako magkakagusto kay Totoy Brown na yan. Pero mahabaging langit! Kinain ko lahat ng sinabi ko. Nabulunan pa nga ako ehh!

Ngayon, ayaw ko na siyang mawala saken. Hutahhh hanggang ngayon nandidiri parin ako habang tinatype ko to ehh.

Ina ka Totoy!

Kahit mukha kang peanut butter ehh ikaw naman yung paborito kong palaman.

Kahit para kang tigyawat na sarap tirisin. Ikaw yung tigyawat na aalaganan ko ng lubusan.

Kahit basura ka daw sa paningin. Hutah! Ikaw yung pinaka tatago ko parin!

Kahit para kang kalamansi na kapag kinain ay sadyang mapapangiwi. Good for the health parin namang bwisit ka!

Kahit panget ka. Kahit bulilit ka at yang ano mo.. At kahit mukha kang joke

Oo nah! MAHAL NA KITA! MAHAL PALA KITA TOTOY BROWN!

Ikaw ang gusto ko! Kahit may James, Daniel at Enrique pa ko na manliligaw. Ay para kang si Marlou na pipilii ko parin hutahh!

After 6 looooooongggg years na paghihirap sa demonyita kong ugali. Sasagutin na kita. Tayo na bwisit ka!

Oo Totoy! Sinasagot na kita. Hindi na kita papakawalang panget ka!

I love you pero pakyu!









Nagmamahal ng panget.
-dyosangmarimar




Labyuall












Ang Panget kong ManliligawWhere stories live. Discover now