Buong buhay ko, naniniwala akong sobrang importante ng company ng mga magulang ko. Sweet lang sila sakin kapag they need something from me. Like now.
"Honey, I think you should prepare already. We'll be leaving in two hours. I expect you to dress well." Mom said habang hinahaplos niya ang mga braso ko. All I can do is nod. Kahit naman mas importante sakanila ang trabaho, I can't disrepect my parents. I love them both.
Nakasalubong ko si Kuya habang paakyat ako ng kwarto. Binelatan nya lang ako at nilampasan. Isip bata talaga!
"Cristin, are you ready? We don't wanna be late for our dinner with your Uncle Javier." Binuksan ko ang pinto at nakita si Dad na ready na umalis.
Tahimik lang ako habang nasa byahe. Hindi naman ako excited dahil every first Saturday of the month naman itong reunion nila Dad and when you say reunion, magkikita nanaman kami ng anak nila Uncle Javie na si Rafael Cajucom.
Best friend ni Kuya Braeden si Rafael even though kaming dalawa ang magka-age. We're engaged, by the way.
Sa sobrang hopeless romantic ng mga Mommy namin, nung nalaman nilang boy and girl ang laman ng mga tiyan nila, nagplano na sila ng kasal. But I doubt na matutuloy yun.
Little did they know, may girlfriend si Raf.
Raf hugged me when we arrived at the venue. We're close friends naman kahit ayaw namin pareho na magpakasal. Minsan nga third wheel ako sa date nila ng girlfriend nya and I really don't mind kasi bum life naman ako. Mabuti na yung mag pinagkakaabalahan ako.
3rd year college na kami Raf and we're attending the same university with the same course and with the same class. Parents' order. Si Raf and kuya naman ay teammates sa basketball team ng school. And hell will break loose kapag naglalaro silang dalawa. Sa sobrang hot nilang dalawa, lalo na si Raf, umaalog ang lupa sa tilian ng mga babae.
All through out the dinner, kaming tatlo lang ang magkakadikit. Pano ba naman kasi ang babata pa nung mga anak ng mga friends ni Dad and Mom. Dad and Uncle Javie are bestfriends and naging mag bff na lang din si Mom and Auntie because of that. Kaya heto, stuck kami ni Raf sa situation na to.
Ewan ko nga kay Raf kung bakit pumayag e. He has a reason not to do so. Ako, naghihintay lang ng rason to give up.
"Hey, sabi ni Dad, sa rest house daw namin sa Zambales tayo magcecelebrate ng Christmas." Raf told us.
"Cool. Daming chix dun! Aray naman, Tin!" Binatukan ko agad si kuya. Napakababaero ng isang to.
"I thought you'll celebrate the holiday with her?" I asked Raf.
"She'll go abroad with her parents. Don't you want to celebrate it with me, your fianceè?" He asked me a smirk on his face. Oh I would love to punch his face. Inirapan ko na lang siya. "Sungit talaga ng kapatid mo, Brae. Kaya walang boyfriend e." Tumawa tawa pa ang loko.
"Pakasalan mo na lang kasi, dude."
"Tigilan niyo nga ako-"
"I might do that, Braeden. Pakakasalan ko na lang si Tin." Nagtatawan pa din sila ni kuya na parang may sobrang nakakatawang joke pero ako nanigas na sa kinauupuan ko.
Damn.
YOU ARE READING
Made To Love You
General FictionI was made for him. Literally, because of stupid arrangement our parents made when they were younger. But was I destined to love him too?