CHAPTER 12 (Goodbye Bad Memories of 2008, Hello 2009)

3 1 0
                                    


(ito po ay year nung highschool ako para hindi na ko mahirapan magbilang taon hahahahahaha.. short update lang po haha)






JC'S POV


Natapos din yung issue, napatunayan ding hindi totoo yung pinagkakalat ni Judith. Kaso may mga hindi pa rin naniniwala, baka daw nagpalaglag na kaya negative, sus!Ang masasabi ko lang, napakaraming confidence ang nawala kay Age dahil sa issue. Hindi na niya kinakausap yung iba naming classmates na alam niyang hindi naniniwala sa kanya, kaming barkada nalang halos ang kinakausap niya. Kawawa naman. Hindi na nga din siya nagpeperform pag may activities kami kasi nahihiya na siya. Masaya lang siya kapag kami ang kasama niya kasi hindi namin siya hinuhusgahan.




AGE'S POV



Whoa!! gusto ko nito! (sabay kuha ng checkered white and red hair ribbon)

DREW: Ano ka ba! Kanino mo naman ireregalo yan? Sa sarili mo?

AGE: Epal mo! Sayo ko ibibigay bakit ba? Gusto mo ibang kulay?

DREW: Ang tatanda na natin, sinong matutuwa pag binigyan mo ng ganan aber? Duh!

JC/AGE: Ako!

JARED: So kung bata pa tayo tatanggapin mo yan drew?

DREW: Whatever!

JC/AGE: Hahahahahaha

JARED: Tara na mamili na tayo ng pangregalo sa family and friends natin.








@VILLA BRIONES RESORT



psawww! psawww! boom! boom!


HAPPY NEW YEAR!!!



JC: Neng ang saya! Ito pa loses o!

DREW: Dapat nag-invite tayo ng hunks para mas masaya! Nakakasawa na mga mukha niyo! Aray! Bwisit! Bakit mo ko kinur-- Eh, hahahahaha, daddy hello :) Ahahhaha. Andiyan ka po pala, kanina ka pa po diyan?



MR. MYERS: Anong hunks anak? :)


DREW: Hunts po daddy, yung pork and beans kasi favorite po ni Age yun.


MR. MYERS: Kala ko hunks, pupunta dapat dito yung friend ko kasama yung anak at pamangkin niyang MACHO, wala naman atang available sa mga kaibigan mo. :)


DREW: Talaga daddy? \(*o*)/ Papuntahin niyo na po matutuwa mga kaibigan ko, kunwari lang ayaw nila pero deep inside gustong-gusto nila :)

MR. MYERS: talaga? deep inside THEM? hmm?


JC: Hahahahaha.. opo text niyo na po sila, papuntahin nyo na po para po MASAYA at MAS MATUWA po KAMI.

MR. MYERS: O sige, itetext ko na.

DREW: Tawagan niyo nalang po daddy para mas mabilis.

EVERYONE: Hahahahaha.


(fast forward ulit natin hahahaha)






MRS. BRIONES: Anak anong regalo sayo ni Gideon?


AGE: Malaking figurine po na angel, music notebook(hindi ko po alam tawag dun sorry) at gitara po :)


MRS. BRIONES: Wow! Lahat useful, collection at hobbies mo. :)


AGE: Opo :)


MRS. BRIONES: Kamusta na kayo? Bakit nga pala hindi mo pinapunta dito yun kasama pamilya nya para makapagbonding sana tayo. :)


AGE: Ok naman po :)


MRS. BRIONES: Dun ka ba magcollege sa pinapasukan niya? San nga ba yun? Hyun-Hyun University? (Ala po akong maisip, yan surname sa my love from the star.. hahaha)


AGE: Hindi po, Dun po sa pinsan nun ako magcocollege :)


MR. BRIONES(father ni Jared): Kung dun mo gustong magcollege, dun ko nalang din siguro papapasukin si JAred, ok lang ba sayo Jared?


JARED: Opo naman po daddy! :) Mas Maganda po dun sa Sa Cheon-Do University (Again sa my love from the star po ulit hahaha) SAme facilities pero mas fair po ang rules sa Cheon-Do, puro mayayaman po kasi sa HHU, ayoko po makisalamuha sa kanila.


MR. BRIONES(father ni Jared): Sabagay, kelan ba kayo pumasok sa rich school na puro mayayaman lang? hahahaha, mix lage gusto niyo, Ngayong highschool lang kayo naiba ng pinasukan, public school to ngayon. hahaha


DREW: Siyempre po tito, para maranasan po namin lahat ngayong highschool,kasi HS Life is the best DAW and this is real life DAW. totoo nga kaso ang panget na real life. (siniko ni JC) Oppss, Sarey.


Nigel: 2009 na kaya dapat panibagong buhay na.


JARED: Oo nga, kaya kumain nalang tayo, pataba tayong lahat para sa pasukan pumayat man dahil sa daming gawain ay babalik lang tayo sa dati.







(sorry po kung sobrang dull.. hahaha.. pagtiyagaan nalang po)

This is Me!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon