Prologue

14 3 2
                                    

Xia's POV

"Umma!" Tumakbo ako pababa ng hagdanan.

"Ano yun?" Aniya

"Umma kailangan ko ng umalis malelate na ako sa klase." Ani ko sabay beso sa kanya.

"Ah ganun ba? Sige dalhin mo nalang itong sandwich. Kumain ka habang nasa biyahe ka, okay? Huwag kang magpapagutom. Tawagin mo na si manong at magpahatid ka na."

"Sige po, alis na po ako."

"Sige! Ingat!"

Tumakbo na ako papunta kay manong.

"Manong alis na po tayo?"

"Sige po maam."

Pumasok na ako sa sasakyan at nakinig sa mga music na nasa phone ko.

Ako si Xiana Myshtine Lee Vestrin.
Half korean, Half filipino.
Pinanganak ako sa Pilipinas. Lumaki akong kasama ang nanay ko. Hindi ko na rin nakilala ang tatay ko.

Lumaki akong independent. Naging motivation ko ang pang-iiwan sakin ng tatay ko. Hindi ko matanggap kaya lahat ng nanliligaw sakin nabubusted dahil iniisip kong lahat ng lalaki magkakapareho. Papatunayan kong hinding hindi ako mahuhulog sa isang lalaki. Hinding hindi.

"Andito na po tayo maam." Sabi ni manong

"Sige po manong mauna na lang po kayong umuwi. Huwag niyo na po akong hintayin kaya ko pa naman pong umuwing mag-isa."

"Ah sige po maam."

Ngumiti ako sa kanya at bumaba na sa sasakyan.

Huminga ako ng malalim at tumungo sa first class ko. I'm in a fourth year college. Sa kursong Computer Engineering. Gustong gusto ko ng makapagtapos ng pag-aaral dahil gusto kong may mapatunayan sa tatay ko pagdating ng panahon. Na kaya kong makapagtapos kahit wala siya.

Nang makarating ako ay agad akong pumasok. Nilibot ko ang aking paningin. Wala pa naman masyadong tao. Tumungo na ako sa pinakahulihan na upuan.

Nagulat ako ng may tumabi sa akin. Tiningnan ko ang lalaking katabi ko. Naka headphone siya tila walang pakealam sa nangyayari sa mundo. Inalis ko nalang ang aking paningin. Beastmode on.

Kinuha ko nalang ang libro ko at nag advance reading.

Unti unti na ring dumarami ang tao kaya ibinaba ko na ang aking libro. Maya-maya ay dumating na ang professor namin.

"Good morning."

"Good morning Maam Deymonio."

"Okay so our topic for today is about love. Sinong naniniwalang may forever? Itaas ang kamay."

Inikot ko ang paningin ko at nakita kong maraming tumaas ang kamay. Tss I don't care. Basta ang alam ko mang-iiwan lahat ng mga lalaki.

"Okay so dahil jan magkakaroon tayo ng activity ngayon. Magkakaroon tayo ng debate. Ipaglalaban niyo kung may forever ba o wala. Okay? So group yourselves into two groups."

Galing. Ang ganda ng topic. /insert sarcastic tone/

I'm not good at this kind of activity pero I think maipaglalaban ko ito. May lumapit sa akin na babae't lalaki. They look so irritated. Problema nito? Tss

"Anong side ka?" Tanong nung babae

"Walang forever." Sambit ko

"Same." Aniya

Lumapit sila sakin. Marami na rin akong kagrupo. Masaya naman ako dahil hindi lang ako mag-isa.

"okay na ba? Can we start now?" Sabi ni Ms. Deymonio

I'm Inlove With YouWhere stories live. Discover now