Day 354.2

9.5K 366 21
                                    

TCWDM : May mga araw na isusulat ko sa Day Book para rito sa Extra Days pero baka to follow. Please be patient with me. ^_^

(Phone conversation)

WED AT 11:52 PM

Call started.

JT :
Nakabalik na ko rito sa ospital. Dito ako sa kwarto ni Dad matutulog. Tapos, six ang duty ko bukas.

Hannah :
Baka masyado ka nang pagod, ha? Nagpa-late tayo masyado ngayon e ang aga pala ng duty mo. (Mutters)

JT :
(Laughs softly) Parang ang dami ko pa ngang energy. Nagpaabuso na nga ako kanina sa mga kasabayan kong resident, hindi pa rin naubos.

Hannah :
Ako rin... (Laughs softly) Tinatanong nga nila ako sa station kanina kung bakit ang saya ko raw.

JT :
Yeah? Bakit ka masaya, Pagong?

Hannah :
Fishing? Ayoko ngang sabihin. Bleh.

JT :
Awtsu. Paasa na naman si Pagong. (Laughs)

Hannah :
Kapag masyado akong masaya tapos hindi ako nakatulog, kasalanan mo.

JT :
(Laughs) Dapat pinatulog muna kita bago ako umalis diyan.

Hannah :
Kasi ikaw e. Umalis ka agad e.

JT :
Magagalit sina Mama kapag nagbabad ako sa apartment mo. Tinawagan na nga ako kanina. Ingatan daw kita. Hindi ko naman masabi na ikaw talaga ang nanunukso sa 'ting dalawa. (Laughs)

Hannah :
Hindi a! Ang itim na naman ng budhi mo!

JT :
(Laughs) Tulog na, Hannah ko. Maaga ka rin sa station bukas.

Hannah :
Uhm... Tulog na si Dad?

JT :
Oo. Nagsabi muna kanina na dapat daw mabilis siyang maka-recover para kung mamamanhikan na sa inyo, kasama siya.

Hannah :
Hindi ko pa nga nasasabi kina Mama 'yung singsing. Baka magulat e.

JT :
Let's ask them on Saturday kung ano'ng gusto nilang gawin.

Hannah :
Yeah. (Yawns) Tanungin natin sila.

JT :
Tulog na, Hannah. Humihikab ka na.

Hannah :
Ikaw?

JT :
I'll try to sleep, too.

Hannah :
Okay. I love you, Jeric. Sleep well.

JT :
I love you. Goodnight.

Hannah :
Goodnight.

(Silence)

Call ended.

Fallback Girl Extra Days (Chat MD Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon