Sugar Crush

115 6 3
                                    

Hi, hello sa inyong lahat ako nga pala si Julianna Revera, but you can call me Anna. Ako ay isang napakatahimik na istudyante. Oo tama kayo ng pagkakaintindi, tahimik ako.

Halata naman ngayon diba? Di naman ako maingay diba? Oh sino nagsabing oo? Lagot sakin!!! Haha Oo tama din kayo, maingay din ako. Ganto kase yan, balikan natin yung nakaraan.

3 years ago...

Hoy Anna!!! magsalita ka naman kahit unti, napakatahimik mo naman eh. - sabi nung isa kong kaklase, malay ko ba kung ano pangalan niya. Eh wala naman akong pake sa kanya.

Magsasalita naman ako ah. di naman ako pipi.. - sabi ko sa kanya tas binigyan ko siya ng isang matalim na Death Glare

Eto talaga di mabiro.. sige na nga may gagawin pa pala ako..- sabi niya, natakot lang yun sakin eh kaya siya umalis. 

Bigla na lang may nangyakap sakin ng  napakahigpit mula sa likod. kilala ko na to... hindi to ang inaakala niyo! wala akong boy friend o ano pa mang may kinalaman sa boy and girl relationship. kase etong BEST FRIEND ko, "which is kine-claim niya", pero tinanggap ko naman, pero ok lang para may twist naman ng unti yung buhay ko. ayoko ng boring masyado. o..sya balik ako sa sinasabi ko, eto kasing best friend ko mahilig mangyakap at manggulat. Pero di niya ako magugulat, sanay na ako eh 1 year ko na ba naman yang kaibigan, at madalas kaming magkita mapa-bakasyon, week-ends, at iba pang occasions. Isa siyang babae at ang pangalan niya ay walang iba kundi Sheena Rodrigez.

HOY! ano nanaman ginagawa mo sakin? di ako makahinga! - sabi ko na may pagkamataray yung pagkasabi

Kaw naman, ganyan ka nanaman kaya wala sayong nagtatangkang manligaw eh. lagi kang Galit o kaya naman snob... or... Basta  yung na yun. Naglalambing lang naman ako sa Best Friend ko eh, masama ba yun? - sabi niya sakin habang nakayakap parin sa akin at inaamoy-amoy pa ang aking buhok

Di naman masama,Bakit? - yan lang ang aking sinagot sa kanya kase alam kong babarahin na naman niya ako. pwera ba daw "ako na nga lang kaibigan mo tas gagantuhin mo pa ako" o kaya naman " Ano na lang iisipin ng iba? na inaalipin mo ko? baka masmatakot yun sayo... hahaha. "

Oh, di naman pala eh... so bakit ka ganyan? kung alam mo lang... - sabi niya 

KUNG ALAM KO ANG ALIN?! - tanong ko

ahh wala, wala.. - tas tumalikod na siya at dumistansya ng kaunti

Baka mabuking ako, maslagot ako sa kanya - dugtong niya pa pero pabulong kahit dinig ko, napakashunga ng isang to, At sino naman kaya itong sinasabi niyang bakamalagot daw siya pag nabuking? haiiiist hayaan na nga. bahala na.

Oh lika na, punta na tayo dun sa next class natin at baka mahuli pa tayo... pero loccker room muna ako ha. Pahintay na lang.  - sabi ko kase kakatapos lang ng Lunch. And for your information ako ay nasa ikalawang baitang ng pag-aaral sa high school. Wag niyo na itanong kung anong school kase di na yun importante

 Naglakad kami patungo sa may locker room at feeling ko kanina pa talaga may nagmamasid sa amin. Naitanong ko na din kay Sheena kung may nararamdaman ba siyang nasunod sa amin. At akalian mo ba naman na nagawa niya pang magbiro imbis na sagutin niya na alng ang tanong ko na pagkayos-ayos ng pagkakatanong ko. Ang sabi ba naman ay "Malay mo baka may nagmumulto sayo, Multo ng pag-ibig!!! hahaha"

Alam mo ang wierd mo talaga kahit kelan! wala nga akong pag-ibig diba. at wala akong balak. - sabi ko sa kanya 

Bakit nga ba ako walang pag-ibig? kase ayoko pa at alam kong sakit lang yan sa ulo. At saka ang bata-bata ko pa maglalandi agad ako? Kaasar! 

Sugar CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon