Chapter 1 - After 3 Years

2.4K 39 1
                                    

Dear Diary,

Back to school na, at babalik nanaman ako sa pagsusulat sa aking diary. It's really weird for a guy to write sa isang diary.

Siguro dahil ayaw niyang makalimutan ang mga alaala na ginawa niya today ,yesterday, months ago etc. Para pagdating nang araw na siya ay malulungkot, magbabasa lang siya sa diary at mapapangiti nalang siya.

How should I describe this day?  Sige umpisahan natin sa umaga.

Kasama ko ang aking mga kaibigan na rich, handsome and heartbreakers. Names ulit?

Silas Buckingham, Brandon Beauvale  at Park Ji Won

Lahat kami ay nag drive papuntang Park Academy. All of us were driving our own Lamborghini car. Problems nang mga mayayaman, we brag here, brag there, brag everywhere.

Pagdating sa school, marami nang babaeng nakaabang and there were banners and posters of us.

We parked and bago pa man kami umalis sa kotse, nag ayos muna kami para charming ang dating.

I opened the door, at biglang napalakas ang tili nila. Ghad my virgin ears. Sumunod na lumabas si Silas, then Brandon and Park Ji Won. Mas lalo ngang tumili ang babae dahil kay Ji Won. Korean siya obviously. Lahat na nang mga babae sa Pilipinas ina- idolize ang mga Korean guys. Pano naman kaming mga mestizo?

All of us walked together to our class, and obviously same classes kami. Ji Won's fam owns the school and alam nila na pag di kami nilagay sa same classes, lagot ang staff sakanya, or sa papa niya.

Actually old name nang school ay Beauvale High, that was before Brandon's family sold the school to Ji Won's family. At siguro naman obvious na kung pano sila naging magkaibigan.

Kahit mayaman kami, pumapasok kami to look intelligent, pero sa totoo lang wala kaming alam sa history nang Pilipinas, o kung ano yung dopamine, serotonin, takotsubo cardiompathy... narinig ko lang yung mga salitang yan sa mga nerds. And besides going to school is for the sake of our families reputation and ours.

What kind of girl likes a guy na mukhang bobo?

Napaupo kami sa likod kung san may aircon. Walang umuupo sa row namin, Let's just say na forbidden kung may makikiupo. Lagot sila samin.

***

" Park Ji Won? " tanong nang teacher.

Napatayo si Ji Won at nagbato nang airplane sa board, " here "

Napatawa ang mga babae, pero ang mga lalaki hindi. Let's just say lahat nang mga lalaki sa school, hate kami. Lalo na yung mga teachers.

" Kirsten Grace Santos? " tanong nang teacher, " Not he— "

Biglang may dumating sa pintuan. A girl running out of breathe.

" Kirsten Grace Santos ma'am! Sorry for being late, " sabi nang babae.

" That's okay. I heard that you're new here, so it's hard finding your classes and adjusting to this enormous school, " sabi nang teacher at napangiti, " take a seat... " at nag isip pa siya.

Wala nang upuan, except sa likod. Sa row namin. May lima pang upuan na natitira. May isang upuan in between Ji Won and I, tas dalawang upuan sa tabi ni Silas at dalawang upuan sa tabi ni Brandon. Yung upuan in between Ji Won and I? Lagayan namin nang bag namin.

" Just wait there, kukuha lang ako nang upuan. "

Bago pa man makaapak ang teacher sa labas nang classroom, biglang tumayo si Ji Won, " No need. She can sit here, " sabay turo sa upuan sa gitna. Nanlaki mata ko.

Inapakan ko paa ni Ji Won. Porket siya na ang leader, he gets to make every decision.

" Pwede naman akong umupo dito diba? " tanong niya habang nakaturo sa upuan sa pinakagilid.

Natulala lang si Ji Won. Nakatayo lang siya at nakatitig lang sakanya. Inapakan ko ulit ang paa niya, " Yes. Oo. Sí "

" What? " sabay tanong nang mga tao sa class, pati narin si Silas at Brandon. Pati rin si Ma'am. Ako na rin.

" I said yes. "

Napatitig ako kay " Kirsten "  at napatitig siya saakin. Parang nagtatanong ang kanyang mga mata nang what dapak is happening here.

Napaupo siya sa row namin at na awkwardan siya dahil nakatitig lahat kay Kirsten, pati rin si Ji Won.

Na ano sila? Love at first sight? Hayst.

Angelic ang mukha, pero wala akong interest.

Sorry nalang. Anong point nang magmahal kung masasaktan ka lang rin naman?

***

Sinarado ko ang pintuan ni Ji Won, " Ba't mo ginawa yun? "

" Bawal ba? " sagot niya, " Now excuse me, "

at tinulak niya ako para buksan niya ang kotse niya. Hinila ko ang kanyang jacket at napatingin siya.

napa seryoso ang mukha ko, " Ba't mo ginawa yun? "

Tinanggal niya ang aking kamay sakanyang jacket at pumasok siya sa kotse niya. At nakatayo lang ako dun. Naiinis. Ewan ko ba. Siguro dahil ayaw ko siyang mawala ulit.

Kilala ko si Ji Won. Pag na inlove siya, gagawin niya lahat para makuha ang gusto niya, kahit mawala ang mga kaibigan niya, basta meron lang ang minamahal niya.

Not that I'm saying na gay ako. I just hate losing people.

Yung last time na nawala ko si Ji Won, 4 years ago. May minahal siyang babae, naging sila, pero sa huli iniwan siya nang babae. Pagtapos nang isang taon, okay na siya, pero ako hindi. Kasi a year after, ako naman ang nakaranas nang sakit.

Pagkatapos naming masaktan, nag iba na kami. Naging cold na ang puso namin. Ang weird nga eh dahil sinusulat ko pa dito sa diary ko kung paano ako naging cold. Ano ako ice cream?

Ay sorry, hot pala ako.

A while ago, I decided to let that thought go. Na baka babalik nanaman sa dati si Ji Won.

Wag mag assume diba? Malay mo gusto niyang magbago. Baka gusto niyang bumait. Gusto niyang magbago for love.

Yuck.

Minsan talaga ang gulo nang buhay.

That's it for today. Nakakapagod nang magsulat.

Ciao Diary!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary Ng GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon