Chapter One

10 1 0
                                    

That name
---

"Oy tara na! de paba kayo uuwi?" litseng mga pagong nato ang ang babagal kumilos, tsk.

"may inaayos pa ako, sandali lang to"sabi ni dana isa sa mga kaibigan ko na may pagkaloka loka .

By the way nandito pala kami sa school at dito sa room namin, uwian na rin kasi  at hinihintay ko na lang ang dalawang maria clara kuno kumilos.

"Bes, matagal pa ba yan?" ani ni ara kay dana ng matapos ito sa pagliligpit ng mga gamit niya, siya ang pinkamalapit sa akin sa kanilang dalawa kasi simula petus palang magkakasama na kami, pero de naman talaga sa tagal ko binabase sadyang sanay na sanay na talaga ako sa kanya kasi siya ang sinasabihan ko ng mga problema, well vice versa haha, si dana naman noong first yr. high school namin siya nakilala.

"Ito na nga oh." wika nito ng matapos ito, at tumingin samin na nakapamewang.
"Oh tara na, ano pa iniintay niyo? ambagal niyo kumilos." dagdag niya pa.

"aba seriously coming from you?"

"Yes seriously coming from me, and you don't care about it, care at your ugly face." nakikinig lang ako sa asaran nilang dalawa at napapangiti nalang.

"Yah! Huhu im not ugly, maganda kaya ako at tyaka can't you see? madaming humahabol saking mga lalaki" well maganda naman talaga si ara at si dana pero ako ahmm, siguro mga nasa average lang.

"You know what, kaysa sa magdrama ka dyan sa ka OA-han mo tara Boy's hunting nalang tayo!"ani ni dana na excited niyang sabi na akala mo sinilihan ang pwet.

"oweji aba go ako dyan! ano bes wanna come?" baling nilang dalawa sakin and they wiggled there eyes.

"aba aba, why not?" at nagtawanan kaming tatlo, tsk may mga saltik lang.

Nandito kami sa hallway ngayon at habang naglalakad tumitingin kami sa palagid kung meron ba kaming makitang mala James Reid ang dating, haha tahimik lang ako pero ganito talaga ako i mean kami pala. Pero we're not really malandi sadyang dipende lang talaga sa panahon kung kailan sapian kami ng ka pilyahan, pero minsan lang akong ganito kasi madalas talaga akong tahimik. (yung tataa?)

"bes, wala akong nakitang fafables" paghihinayang na ani ni ara.

"Mission Failed" sabay naming sabi ni dana.

"Tara sa isawan nalang tayo mga bes" ani ko.

"Tara tara, na miss ko narin ang kwek-kwek at isaw ni aleng edith" wika ni ara.

Yes paburito naming tatlo ang kumain sa street foods, de naman kami maarte at lalong de naman kami mayayaman para mag inarte. Si aleng edith ang lagi naming pinupuntahan sa stool niya kasi masarap yung  luto niya crispy at manamnam talaga, matagal narin namin siyang kilala nung mga First year High school palang kami at first year college na kami ngayon, mabait si aleng edith at bilib ako sa kasipagan niya upang mapaaral niyang mag isa ang tatlo niyang anak, balita ko nga byuda na daw ito. 

"Aleng Edith!" sabay naming tawag sa kanya.

napatingin naman siya sa gawi namin at ngumiti "Oh mga ija ngayon nalang kayo ulit napadalaw dito ah" sabi nito.

"ah pasensya na po nay edith, medyo busy po kasi ang mga ija mo eh" sabi ni dana.

"nako nay, de po yan busy pa-busybusyhan lang po yan pero ang totoo nakikipag date lang yan siya sa mga fafables, at kaming dalawa lang ni kei ang totoong busy" segunda naman ni ara.

"sus inggit kalang sakin eh kasi de kita sinama"

"kita mo nay! kita mo na! Lumabas din sa malaki niyang bibig na nagsisinungaling nga siya."

natawa nalang kami ni aleng edith sa dalawa "hay nako kayong mga bata talaga de parin kayo nagbabago dalawa, Oh syasya ano yung sainyo? Ganon parin ba?" sabi ni aleng edith ng nakangiti.

ngumiti din muna ako bago sumagot "opo nay, ganon parin ho." tumango tango nalang si aleng edith.

"sige ako na ang kukuha para sainyo" wika nito.

"salamat nay" sabay naming sabi dito. Ganyan na talaga yan si aleng edith maalaga pati samin kaya napapalapit narin yung loob namin sakanya.

Habang sarap kami sa kinakain namin at nagtatawanan ng biglang may sumulpot na lalaki.

"Saan kayo nagaaral?" biglang tanong ng lalaki sa tantya ko siguro nasa mga edad na 30's. nagtinginan kaming tatlo bago binalingan ang lalaki.

"sa leighigh po kuya" ako na ang sumagot.

"ganda namang paaralan ang pinapasukan niyo, alam niyo ba na may anak akong lalaki na mayaman at seaman ang kinuhang kurso, nagaaral pa ito ngunit may roon na itong sariling barko" kuwento nito samin at napataas naman ang kilay ko duon at tinignan siya ulo hanggang paa, dugyot yun ang masasabi ko habang sinusuri siya, kaya mahirap paniniwalaan pero sabi nga nila don't judge the book by its cover, kaya napatingin ulit ako sa mukha niya at mukha namang hindi baliw tong isang to.

"weh? de nga kuya totoo?" de makapaniwalang tanong ni ara.

"baka naman gino-goodtime mo lang kami kuya ah" ani ni dana.

tumawa ang lalaki "de totoo nga ang sinabi ko hindi kayo makapaniwala ano? mayaman din naman ako milyon milyon kaya pero ko sa bangko, tyaka alam niyo yung anak ko wala pang girlfriend yun at gwapo yung tao na yun ewan ko nga kung bakit hanggang ngayon wala pa itong napakilala saking babae" nagtinginan ulit kaming tatlo, parang gusto ko na tuloy maniwala, palibhasa may gwapo lang na nabanggit, tsktsk haha.
"kung gusto niyo iadd niyo siya fb at ibigay ko ang pangalan niya, pahiramin niyo ako ballpen at papel" dugtong nitong sabi.
"kaibiganin niyo yon ah" dagdag pa nito. nagtinginan ulit kaming tatlo at napangisi at binigyan si kuya ng papel at ballpen tyaka de nalang din kami umimik.
Pagkatapos nito, binalik niya ulit samin ang papel at ballpen at nagpaalam.

"sige mauna na ako ah, hehehehe" at umalis na, weird, napailing nalang ako sa mamang yun at binalingan ang mga kaibigan ko at tinignan din ang papel kung ano ang naka sulat.

"Roger Jose Fernando Jr." bumilis bigla ang tibok ng puso ko.
"t-that n-name" 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stranger (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon