Chapter 2:

18 3 4
                                    

*RIIIING!*

"Kuyaaa, time to wake up na!" nagtata-talon si Nilo sa bed ko,

"Nilo stop it." then tumakbo siya palabas,

Teka. .  Panaginip lang..

Kinapa ko ang katawan ko,

Buhay ako..

Ang weird?

"Oy, Nico baba na, Kakain na tayo." tawag ni Ate .

Buhay talaga ko..

Tumakbo ako pababa.

"Ate ate!!!!!!"

"Bakit?"

"Buhay.. Buhay ako!!"

"Alam ko?"

"Ate, nakarating ako sa langit!"

O_O - Ate

~_~- Nilo

"Mommmmmmyyyy! Nakadrugs si Nicolas!!" sigaw ni Ate

"What's drugs ate?" tanong naman ni Nilo

"Hey di ako naka drugs! pero. . . Nakarating tlaga ko dun, SWEAR!"

"Owsss." yan lang ang sinabi ni Ate at nagsimula ng kumain,

"At . . may nakita akong magandang anghel."

"Yun lang, Nag bar hopping ka kagabi no?" tanong ni ate.

"Ate naman eh!" yan nalang ang sinabi ko. Di naman siya maniniwala sakin pag kinwento ko.

Pero . . Langit nga yun di ba??

Hay, yaan na nga.

Kumain na ko ng breakfast, 

Naligo,

tapos sumalampak sa couch,

"wala kang pasok?" tanong ni ate while combing her hair,

"Wala ate." 

"Okay. Nilo tara na."

"Teka san kayo?"

"shopping!"

"Samaaa!"

"Ayoko nga, ba'la ka jan, Nilo tara na."

Then tumakbo na si Nilo.

"Bye bye kuya"

After nilang maka alis, eto ako.. Nga nga.

Iniisip ko parin yung panaginip ko.

"Humayo ka, At pagnilaynilayan ang mga pangyayari."

Ugh, mabubuang ako neto.

"Lahat ng ito, ay may dahilan anak ko. Kung magbabalik ka lamang sa akin, Hindi mo aakalain kung ilang libong anghel ang masisiyahan sa pagbalik mo sa piling ko anak."

Oo, totoo nga. .. Lumayo ako sa kaharian niya,

Lumayo ako sa piling niya.

Eh pano ba naman...

Namatay ang pinakamamahal kong girlfriend.

Di ko alam sino ang sisisihin,

Siguro,

Ang panginoon.

Dahil pwede namang ipadapo niya yung sakit na kanser sa ibang tao,

Bakit sa girlfriend ko pa?

Napakasama niya . . 

Nakakainis siya..

---

Hapon na at umuwi na sila ate,

At ako?

eto..

Lakad lakad lakad.

Lakad lakad lakad.

"Ahhh! Putek!" 

"Hey? Will you please shut your mouth?!" sigaw ni Ate.

"Bakit ba kasi ang tagal nila mommy? Excited na ko sa sinabi nilang gift nila sakin eh!"

"Kalmaaaa Nicolas! October palang ngayon! Christmas gift yung sinabi nila Mommy!" sabay bato sakin ng isang pillow.

"Epal ka ate, Sabi nga ni daddy october palang ibibigay na niya!" sabi ko sabay hagis sa kanya ng unan pabalik.

"Whatever panget!" sabay dila. Para talagang bata tong ate ko! =__=

"You're fighting nanaman kuya Nico and ate Cole?"sabi ni Nilo

"It's nothing baby Nilo come here dalii!" at tumakbo naman si Nilo papunta kay Ate, 

Lumabas ako papunta sa may terrace.

Ah October palang pero ang lamig na ng hangin dito!

*Wiiiiiiiiiiiishiiiiiingggggg!* 

"Ano yun?" may liwanag na biglang bumagsak. :3

"Baka may bulalakaw! Aba! baka makita ko na si Kokey!" Bumaba ako at lumabas  para makita kung ano yun,

At . . .ano to? isang. . 

Magandang babae?

"Aray, Father God ang sakit ng pagkakabagsak ko"

Teka. . . Father god?

Yung boses na yun,

Humarap yung babae sakin.

"Hi Nicolas :)"

Ang ganda ng mga ngiti niya,

"Bakit . . bakit-- di ba. . ang-ang-Anghel ka?"

"hihihi, Oo Mabuti naman at natandaan mo pa ako!"

Kung anong suot niya sa langit ganun din ngayon,

Pero.

"Asan ang pakpak mo?"

"Ayun, binawi muna ni Father God. Sabi niya kapag nagawa ko ang task ko dito . . Edi-- Makakabalik na sakin ang pakpak ko!  PLUS! makikilala ko pa ang mga magulang ko!"

"Nicolas Ponce! Sinong kausap mo jan hah??!" sigaw ni ate mula sa loob.

My Christmas Angel [One Shot Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon