Chapter 2

146 4 0
                                    


Nang malaman kong dito sa Science Museum tinago ang isang ninakaw na device na galing pang Europa, Katakataka ang pagkubli nito sa loob ng Museum. Sa isang lumang gusali, sa isang lumang gusali na puno ng mga iba't ibang basic science demonstration, sa isang lumang science museum na may advance knowledge tungkol sa HIV?

Inspector: We're here.

Nakatigil siya sa isang puting pinto, at binuksan ito. Dito na ko tuluyang namangha.

Isang malaking underground laboratory facilities ang bumungad sa'kin. Isang advance laboratory facility. Kasing laki ng football field ang hallway kung saan nakaposisyun ang mga naglalakihang vessel glass na naglalaman ng iba't ibang organism, mga higanteng vacuum systems, mga advance laser interferometry and spectroscopy na naka-kurdon sa fiber optics na nakapalibot sa buong Laboratoryo. Ang bawat haligi ay may mga pintuang salamin kung nasaan ang mga silid para sa mga special research project, offices, break hallway, at maraming pang ibang hindi kayang punuin ng mga mata at imahinasyon ko.

Inspector: You're right! This museum is advanced.

Nakakanga pa rin ako, hindi ako makapaniwala na may ganitong kalaki at high-tech na Laboratoryo dito sa pilipinas.

Inspector: Sir, Tinanong mo kanina kung sumasabog ba ang device na yun, possibleng oo, at gusto niyang wasakin ang buong research facilities.

Napatikom ako ng bibig sa sinabi ng Inspector.

Sa simpleng inductor, capacitor at resistor ay pwedeng makalikha ng time bomb, mga maliliit na bagay na kayang pumatay at mangwasak ng bahay at buhay. Noong 2013 isang Semiconductor company sa Japan ang matagumpay nakalikha ng alternatibong pamalit sa tipikal ng baterya.-Ang Supercapacitor.

"Supercapacitor?"

Tanong ng Teacher ko sa High School.

"Oo. Ma'am supercapacitor, isang ispesyal na uri ng capacitor na kayang mag-store ng ilang libong boltaheng kuryente, pwede itong pamalit sa mga lithium-ion battery ng cellphone at laptops"

Paliwanag ko.

"Ta..talaga..?

Manghang tanong sakin ng titser ko matapos niyang magtanong kong ano pang alternatibong pamalit sa baterya.

"pwede tayong gumamit ng uling, para makagawa ng supercapacitor, kaya nitong higitan ang mga ang mga baterya sa sasakyan, kaya nitong mag-istore ng hanggang 50k volts. Katumbas iyon ng pagsu-supply ng kuryente sa limang bahay sa loob ng isang linggo, o pagpapatakbo ng sasakyan sa isang buwan, matipid na, mura pa."

Dagdag ko pa.

"Ah okay, I'll consider that"

Simula n'un hindi na siya nagtanong tungkol sa alternative source of energy and battery.

Naisip ko, Kung ganitong capacitor ang gagamitin sa paggawa ng bomba, kaya nitong wasakin ang isang 4-5-storey building o ang buong Museum na ito. Ayon sa Inspector Itinago sa loob ng Musuem na ito ang isang mapanganib na Device. Isang mapangwasak na bagay.

Inspector: Sir Nico, Doc Rinlee the head research in biotechnology of this laboratory.

Kinamayan ko ang isang matandang lalaki pero kagalang galang sa suot niyang American black tuxedo. Kayumanggi ang kulay niya at hindi rin naman ganuong katangkaran. Sigurado ako Pinoy ito.

Doc Rinlee: Mr. Nico. The author of Quantum behavior of DNA. Nice to meet you.

Ngumiti lang ako sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GENESISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon