Pagkababa ko, hinila niya agad ako.
"Ah!! sandali lang !! maaa .. !!!"
Natawa na lang siya sa pagsigaw ko. Haha. Sumakay kami sa kotse niya. Grabe noh, 3rd year high school palang, may kotse na, marunong pa mag-drive. Talo pa ko amp!
"'San ba tayo pupunta?" Tinanong ko siya.
"I'd like to buy school supplies for tomorrow, pasukan na 'di ba?"
"Hindi ka pa rin nakakabili?? Ang weak mo naman ! Mag-isa ka na nga lang sa inyo hindi ka.. pa...r...i..n.. na...k..a..k..a.. bili~" Huminto ako sa pagsasalita. Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko .. Naiinis ako sa sarili ko >.<
"Ok lang..." Ngumiti siya sakin,, alam kong pilit lang 'yon.. Sorry talaga Kate >.<
Tumahimik kami ng ilang minuto. Naka-focus siya sa pagdrive.
.............................................................
"Nga pala, bakit hindi o muna ako tinawagan, bago ka pumunta ng bahay ? Dala-dala mo pa pala 'tong kotse mo .."
"Oh, anung problema dun. Masyado lang akong na-excite kaya 'di kita natawagan. Tsaka.. you know that i hate commuting. "
"Psshh .. Alam mo na ngang ansikip sikip na ng daanan namin dito eh, papasikipin mo pa dahil sa kotse mo.. "
Bigla siyang nag-speed up tapos nag-preno.
"HEY!"
Galit na ata siya... Hah ... ha ..
Tinakpan ko yung bibig ko sa harap niya. Tapos umiling ako. Hindi na ko magsasalita >.<
-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-
Nakarating na kami sa isang mall. Dumiretso kami sa isang bookstore. Kumuha ako ng cart.
Hindi naman siya magastos, hindi tulad ng ibang mayayaman. Sa libro siguro, oo, pero sa mga ginagamit niya hindi naman. Simpleng simple lang. Hindi ko alam, kung 'san niya nilalagay 'yung mga erang hindi niya nagagamit. Kinakain niya kaya 'yun ?? Pssh.. Di naman siguro.. Haha..
Seryoso mukha niya. Naiinis pa rin kaya siya.. Napansin ko lang, these days, nagiging emo na siya. Laging malungkot. May nangyari kaya sa business nila? Hmmnn ..
Pagkatapos niya sa bookstore, dumiretso kami sa kainan! Sabi na nga ba eh, Tokyo-tokyo nanaman !! Ang hilig niya sa Japanese foods !!!!
Hindi pa rin siya nagsasalita.
Habang kumakain kami, naglakas loob akong tanungin siya.
"Kate.. "
"Bakit?" Nagsalita siya nang nakatingin sa kinakain niya.
"May problema ba? kamusta parents mo sa London? business niyo? Bakit anlungkot mo ..?"
Tumingin siya sakin. Mga 5 seconds. Tapos bumalik sa pagkain yung tingin niya. Amp!
"Wala."