Short story

6 2 1
                                    

This is a story inspired by Tori Kelly's song "All in my Head" just enjoy reading and don't expect too much.
-----

Every little glance my way
Every time you wanted to hang
You seem so interested
Could you tell me
Was it real or was it all in my head🎶🎤

Feel na feel ko ang kanta with headset on habang naglalakad papuntang cafeteria at nagbabasa ng libro. Nang biglang---

Ghad! Nakakahiya. Nadapa ako. Nakakainis na malaking bato. Bakit ba mayroong ganito dito? Omay Ghad talaga!

Napapikit ako sa kahihiyan at ramdam ko ang mga matatalim na tingin ng mga kapwa ko estudyante. Ang tanga ko kasi grabe ba't di ko yun nakita? Pagdilat ko, may nakita akong sapatos sa harapan ko. Obviously, may nakatayo sa harap ko. Ayokong tumingala. Tama na. Tatayo na sana ako nang hinawakan ng lalaki ang dalawang braso ko at inalalayan ako sa pagtayo.

"Miss, okay ka lang?"

Natulala ako sa lalaking kumakausap sa akin. Si Kobe, ang long time crush ko. Simula noong elementary pa, ganitong pagkakataon din yun eh. Yung simula ng pagkakagusto ko sa kanya. Bumalik ang alaala na yun sa akin.

*Flashback*
Grade 2-- Nasa school field kami noon. Naglalaro ng habulan. Ang bilis ng takbo ko kasi hinahabol ako ng taya. Sa bilis ko ay nadapa ako. Ang malas nga naman at nilipad ang palda ko. Abot na sa ulo ko at wala nang takip ang bahagi ng katawan na tinataguan ng lahat ng tao.

Ang mas lalong nakakahiya pa ay ang katotohanang hindi ako nagsusuot ng shorts. And kalabasan, sobrang kita ng green kong panty. Okay lang naman na nakita ng maraming bata ang panty ko eh. Tatayo na sana ako ng makita kong duguan ang tuhod ko. Takot ako sa dugo kaya pumikit ako. Sinubukan kong tumayo ng nakapikit pero sobrang sakit ng tuhod ko dahil sa sugat.

Naramdaman ko na may batang ibinaba ang nakataas kong palda. Inalalayan niya akong tumayo at tinulungan papuntang school clinic.

All In My HeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon