Chapter 5

9 0 0
                                    

Annyeong, chapter 5 na yesss. Thank you for reading my story. Sorry, sa dahil mabagal ang update. Busy kasi sa studies tsaka feeling ko walang kwenta yung pinagsusulat ko. Pero yung nakita ko na dumami yung reads na motivate ako. Last na makita ko 35 lang siya ngayon nasa 96 na. So, thank you guys for reading my story. Enjoy.

 ______________________________________

Bianca's pov

Haysss.. Kung tatanungin niyo ako kung anong status kay crush syempre.. WALA. sigh* Buti pa yung pancit canton nag improve na, kami wala parin. Ano ba yan, Bianca pagkain nanaman kaya nataba eh tsk.  

Wag mo muna yan isipin bianca, isipin mo muna yung susunod mo na gagawin. Isip.. Isip.. Isip. Aha ting* oha! May sound effects pa yan haha. Back to the story.

Linggo ng wika na pala no. Uhmmm.. Ano kaya gagawin namin?

"Guyss anong gagawin natin sa linggo ng wika" tanong ko. Eh sa excited nako eh lam niyo na may mga partner partner yun Malay niyo makapartner ko si crush huehue.

"Why don't we dance?" Suggest ni Yenson. ang presidente ng klase namin.

"Yeah, may naisip nako. Pano kung hatiin natin yung class into two groups. The first group will perform the new trend while the other will perform the old music." Suggest naman ni kylie. Ang dancer naman nang klase. Psh. Paeenglish English pa hello, nasa pilipinas tayo ineng.

"That's a great idea, in fact that's a cool strategy" pagsangayon naman ni Yenson. Oh isa pa to tsk. patapon ko tong mga to sa amerika eh tss. Syempre wala na kaming nagawa kung Hindi umoo, presidente na namin nag desisyon eh. So, moving on.

Habang dinidivide na nila Nami yung klase. Kami rin kasi magdedecide kung saan grupo kami eh, pinili ko yung old, filipinang filipina ata to. 

May kumakalabit sakin. Pag lingon ko. Oh my freaking gosh. Guyssss guess who?.. Si Clint wahhhhhh kinalabit ako ni crush😍.

"Bakit?" Sabi ko. Habang nagpipigil ng ngiti. minsan na ngalang kami magusap papalagpas ko pa. syempre hindi.

"Anong pinili mo?" Tanong niya. Bat naman niya tinatanong.

"Bakit pag sinabi ko ba dun ka rin." Bulong kong sabi. "Ano?" "Sabi ko bat mo naman tinatanong"

"Wala lang" habang pilyong nakangiti. Luh! Nababaliw na si crush.😂 Hindi kaya may gusto sakin to. Bianca assuming ka nanaman. Ay! oo nga pala walang magkakagusto sakin. saklap ng layp mga besh.

"Ahhh.. Sa old music ako. Ikaw?" Pinanindigan ko talaga. bagay naman sakin eh pangmanang yung dating, tsaka may damit narin naman ako kung sakali, ayoko nang gastos. eh siya kaya? 

"Syempre, dun sa makabago. Para cool." Oh edi wow. Tatanong tanong ka kung San ako. Tapos ganun psh. PAASA. oo na, oo na. ako lang talaga yung umaasa.

nanahimik nalang ako. Buhay nga naman. Life is so unfair. No ba yan pati ako napapaenglish na. Aishhhh.. ok bianca. Relax, relax. Think about happy things. Food.. Food..

Daydreaming*

"Omaghash.. Yung bahay gawa sa cookies. Sarap siguro neto, yung sofa at mga upuan marshmallows, yung lamesa, crackers, just wow. Is this real?"

Paglabas ko sa may garden yung pool oh my gosh.. Yung pool. "CHOCOLATE😍"

Lumusong nako dun habang nakanganga uhmmm... Ang sarap. Sarap Grabe. Kain dito, kain doon. Nom* Nom* Nom* (with sound effects hehe)

"Bianca gising, gising uy" huluuuu bakit nawawala yung pool. tsaka parang naririnig ko boses ni xiels.

"Biancs, ano ba nakakahiya ka na." Luhhh San yung marshmallows. Oh bat naririnig ko rin boses ni glody.

"Hahahahaha" "hahahaha" bat may naririnig akong tumatawa.

Pagmulat ko. Anak ng palaka na nagpaplanking. Lahat sila nakatingin sakin. Lupa kainin mo nako sa in now na. Mabubusog ka sakin promise. kung tatanungin niyo kung anong itsura ko, umaagos lang naman ang laway sa bunganga ko. Wahhhhhh.. Pati si crush nakatingin.

"PARANG LAWA YUNG BIBIG NIYA EH HAHAHA"

"NAKAKAHIYA SIYA, ANG TABA TABA PA"

"MUKHA SIYANG EWAN HAHAHAHAHA"

Iilan lang yan sa mga naririnig ko. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko, onti nalang tutulo luha ko.. Ayan na in three, two, o--.

May humigit sakin, diko alam kung sino but I feel secured.

_______________________________________

End of chapter 5, sobrang ikli nung mga chapters ko. Sana magustuhan niyo and belated merry christmas sainyo.
                                      -piggybianca💕

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 27, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My BIG lifeWhere stories live. Discover now