Chapter 1: The Virus

104 4 0
                                    

》RFU High School Building《

"Bro!!" sabi ni Crizia kela Gumi at Miko habang nakikipag bro-fist "Kanina pa kayo hinihintay nila Ada."

"Paki sabi kay pres. andito na kami." sabi ni Gumi.

"Sige." sabi ni Crizia at pumasok na ng room.

Naglakad na yung kambal sa corridor at lumabas ng building. Pumasok sila sa maliit na building sa tapat at nakita nila sila Ada, Lincoln, Zack, Ericka, at si Christian. Umupo si Gumi sa upuan nung drum at binaba yung bag niya. Si Miko naman, kinuha niya yung electric guitar niya na blue.

"Napanood niyo yung news kanina? It's creepin' me out." - Chris.

"Bakit? Ano meron sa news kanina?" tanong ni Lincoln.

"Onga! Ano meron?" - Ericka

"It's about some virus or something like that... " - Chris.

"Ano meron sa virus na yan?" tanong ni Miko.

"Z-zombie." sabi ni Chris.

Binato ni Miko si Chris ng notebook, "Yah! Naniniwala ka dun?"

"Tama na nga yan, sayang oras natin sa kwentuhan eh. Practice na ta'yo." sabi ni Ada at kinuha niya yung dalawang mic sa table at binigay yung isa kay Ericka.

Nag-practice sila hanggang lunch time. Sabay-sabay sila pumunta sa canteen. Sumama sa kanila si Crizia.

"Sa tingin niyo, totoo kaya yung viru na yun, o hoax lang?" tanong ni Ericka.

"Syemre di totoo yun. Besides, sa movie lang naman yung mga zombie nage-exist." sabi ni Lincoln

"Sa bagay.." sabi ni Chris.

"Guys, guys, guys!! Tignan niyo yung news saT.V.!!" sabi ni Gerald na biglang sumulpot kung saan. "Manong Berting peram po ako ng remote."

Inabot ni mang Berting yung remote kay Gerald, binuksan ni Gerald yung T.V. at nilipat sa news.

"Mga myembro ng Chicser naaksidente ng mahulog ang sinasakyang ko- "

"And what should be our reaction?" tanong ni Lincoln.

"H-h-h-hindi yan!" sabi ni Gerald.

Mabilis niyang kinuha ang remote at nilipat sa isang foreign news channel. Mga nagkakagulong tao ang ipinapakita sa likod ng isang lalaking reporter.

" As you can see, these people behind me are being evacuated to a heavily guarded area. The cause of this virus is still unknown. More than half of the population of the United States of America are already infected. There's no known cure for this virus as of now. It's already spreading all over the world. Japan, India, Germany, Russia, Thailand, Australia. The earliest case ever recorded was yesterday night. A young bo-" sabi nung reporter sa T.V. pero pinatay ni Lincoln yung T.V. 

"I'm sure gagawin ng gobyerno ng Pinas ang lahat ng makakaya nila para i-defend ang humankind ng Pilipinas right?" sabi ni Lincoln.

" Hindi tayo sigurado diyan. Pero sa tingin ko, matagal pa bago makarating dito sa Pilipinas yang virus na yan" sabi ni Crizia.

" Balik na tayo sa klase.. Bakit hindi pa i-suspened?" sabi ni Miko.

"Oo nga eh," sabi ni Chris. "Baka mamaya, hindi na natin makita ng buhay mga pamilya natin." 

Binatukan ni Gumi si Chris "Wag ka ngang mag-salita ng ganyan!"

"Pinagtutulungan niyo ko ah.. Kayong mag-kambal.. Kung hindi mambabato ng notebook manghahampas.. " - Chris

Dead City: Patient ZEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon