Naalala mo ba noon nung una tayong magkakilala, niligtas mo ako sa mga batang nambubully sakin. Para kang naging Prince Charming sa paningin ko kahit andugyot dugyot mo nun.
Power Ranger na sando at itim shorts at tsinelas, ako naman suot ko ang paborito kong bestida na bigay ni Papa bago sya namatay sa aksidente.
Simula noon, naging magkaibigan na tayo.
Palaging magkasama,naglalaro, nagmemeryenda, at pinapagalitan.
Naalala mo nung hindi tayo nakauwi dahil sa lakas ng ulan at napilitan tayo sumilong sa club house. sabay tayong napagalitan ng mga mama natin. Buong pamilya natin naging magkaibigan dahil satin.
Summer ng Grade 4 tayo nakita kitang nakapalda at parang ewan kung maglakad.
Tinawanan pa kita dun ka unang nagalit sakin, malay ko ba na normal pala sa mga lalaki na ganyan.
Pero bakit nga ba ambilis nating nagkabati noon. Ilang minuto lang naghaharutan na ulit tayo.
Nung unang datnan ako ikaw ang kasama ko nun, parehas pa tayo nagpanic, putlang putla ka nun nung pumunta tayo sa clinic natatawa nga yung nurse sayo eh.
Kahit ako pinipigilan ko lang baka bigla kang magwalk out eh.
High School tayo nagkaroon ka ng mga bagong kaibigan, nagkaroon din ako, pero di pa rin nagbabago yung samahan natin.
Maraming nagkakagusto sayo noon, pinagmamakaawaan akong maging tulay para makilala ka. Minsan proud ako kasi bestfriend ko ang Campus Heartthrob, pero kadalasan naiinis ako kasi andaming nakatingin sayo.
Dumating sa punto na nagkagusto ka sa isa nating kaklase, naging kayo at nakakatuwa yun kasi naging masaya ka.
Nakita ko yung ngiti mo ibang iba sa mga ngiti na binigay mo sa mga kaibigan mo, sa akin. Kaya hinayaan kita, pero bakit may nararamdaman akong sakit sa puso ko, sa tuwing nakikita ko kayong magkasama parang tinutusok ng mga karayom and puso ko.
Nagpasya akong dumistasya para maisip ko kung ano ba ang nararamdaman ko.
Pero hindi kita matiis nung lumapit ka sakin na umiiyak.
Naghiwalay na pala kayo, sakin mo hininga lahat ng sakit. Ako naman tanggap lang ng tanggap. Mga halos isang buwan ka rin naging ganun, pero unti into ka din naka move-on.
At ngayon, tayo ulit ang lagging magkasama, lagi nilang tinatanong kung tayo na ba, tinatawanan lang natin sila.
Pero alam mo ba, minsan gusto kong sabihin sakanila na sana, sana tayo nga. Doon ko nalaman sa sarili ko na unti unti na akong nahuhulog sayo.
Unti unti na kitang minamahal higit pa sa pagiging magkaibigan.
BINABASA MO ANG
Regret (One Shot Story)
RomanceMinsan, Kailangan mo talagang subukan lahat ng gusto mo para sa huli, wala kang pagsisisi na hindi mo nagawa o nasabi ang mga nais mo.