Time to end

0 0 0
                                    


His Side...

Crush ko na sya. Dati pa. Lagi ko syang pinapanood pag may pageant sya. Lagi kong nililike ang photos nya sa Facebook. Paulit ulit ko ring pinapanood ang videos na pinopost nya para dumami ang views. Di naman kasi nakakasawang panoorin eh. Hindi ko na pala sya crush. Mahal ko na pala sya.

Pero....

Hindi nya ako kilala. Hindi nya alam na nag eexist ako. Hindi nya alam na may taong mahal na mahal sya at susuportahan sya sa kahit anong gawin nya.

Her Side...

Bakit ganun, ginagawa ko naman lahat ng paraan para mapansin nya ako. Bakit parang wala lang sakanya?

Sumasali ako ng mga pageants para sakanya. Kung anu anong post na ang ginagawa ko sa Facebook. Pati mga videos ko halos mukha na akong tanga. Pero wala pa rin? Wala pa ring effect sakanya?? Sa taong matagal ko ng mahal..


His Side...

Dapat ko ng sabihin sakanya. Ayoko ng hanggang ganito na lang. Tama na yung ilang taon akong nagtatago na lang sa patingin tingin at pag stalk sakanya gamit ang fake account. Kailangan ko ng sabihin na mahal ko sya. Mahal na mahal..

Her Side...

Wala naman na atang patutunguhan to. Wala naman syang pakialam sakin. Tama na siguro. Tama na yung ilang taon akong nagpaka tanga para sakanya..

Suko nako.

3 months after.....

His Side...

Graduation day na. Eto na yung moment na hinihintay ko. Sasabihin ko na sakanya ang nararamdaman ko. After neto, bahala na. Kung masasaktan man ako ng sobra o magiging masaya. Wala na akong pakialam. Basta masabi ko na sakanya to.

Asan kaya sya? Tapos na yung ceremony pero di ko pa rin sya nakikita. Graduate na sya ng BS Civil Engineering, ako naman BS Chemical Engineering.

Mukha na akong ewan. Bitbit ko yung binili kong flowers, chocolates at malaking teddy bear para sakanya.. Haha. Pero ok lang. Para naman sakanya to.

Asan ka Vea Domique Lim?

Tingin dito..

Tingin dyan...

Si Vea!

...

....

....

May kasamang iba. May kayakap na iba. Ang saya niya. Ang saya nila..

Bakit ganito? Bakit di ko napag handaan to? Bakit hindi ko naisip na pwede pa syang mag mahal ng iba.

Vea...

Napatingin sya sakin. Para syang nagulat...

Eto na yung time. Lalapitan ko na sya habang nasa malayo yung kayakap nya kanina..

"Vea.."

"Christoff.."

0_0

"Kilala mo ako??"

"Oo. Matagal na."

Kilala nya ako. 0_0

"Pano?? Bakit? I mean..."

"Sinong bang di makaka kilala sayo. Magna cum laude ka. Tapos athlete of the year ka pa kasi ang galing galing mo sa chess tapos pabonus pa gwapo ka at mabait. :)"

Alam nya lahat yun? Kilala nya talaga ako! Nag eexist ako para sakanya! Yes! :)

"Ah eh.. Para sayo pala to." sabay abot ko nung mga dala ako...

Tanggapin mo. Please

1

2

3

Kinuha nya!!! Wohooo!

"Wow. Salamat ah. Grabe nakakahiya naman. Andami neto oh." sabi nya, grabe yung puso ko. Parang lalabas na sa lakas ng tibok..

"Ah, eh... Hindi naman siguro magagalit yung boyfriend mo kung binigyan kita nyan diba? :)"

"Huh?"

.

.

.

.

"Si Kevin ba? Yung kasama ko kanina??"

"Oo. Sya nga ata."






"Di ko sya boyfriend. Pinsan ko sya. :)"

Dugdug..

Dugdug...

Dugdug.....

Paulit ulit sa tenga ko...

...di ko sya boyfriend.

...pinsan ko sya..


Wohooooooooooooo!!!!!!!!!!!!! May pag asa pako!!!!!!

"Totoo ba yan?" grabe. Pawis na pawis nako. Bakit ganito? Hahahaha

"Oo nga. Bakit ba? Itchura mo ngayon oh. Para kang ewan.. Hahaha"

"So... May pag asa pa den? :)"

"Pag asa?? Saan? "


"Satin.. Tayo. :)"

dug dug..

dug dug..

dug dug..

"Ganyan ba ang way mo para tanungin ako kung pwede ba akong ligawan?? :)"


"Ah eh.. " inhale exhale. Kaya ko to!!! "Oo sana. Kung pwede sayo.."









"Matagal ko ng hinihintay yang tanong mo.. :)"

"Huh??? Anong matagal na?"



"Gusto kita.. Dati pa. :)"


Ano daw??

Gusto kita...

Gusto kita....

Dati pa....

Ibig sabihin?????!!!!!!!

0_______0

Oh my gosh!!!!!!


"Wohoooooooooooooooooooo!!!!!!" di ko na napigilan sumigaw. Grabe pinagtitinginan kami. Ang saya lang!!! Yes. Hahaha

"Oi teka umayos ka. Nakakahiya na oh.. 🙈🙈🙈"

Grabe pati sya namumula na..

"Sorry Sorry.. Di ko lang kasi talaga mapigilan yung nararamdaman ko ngayon.. :)"


"Pero teka ha.. Liligawan mo pa ako. Alangan naman ganun ganun na lang yun. Hahaha"

"Oo naman. At hindi kita titigilan ligawan. Kahit maging tayo na. Liligawan pa rin kita araw araw.. :)"

"Sus, mabobola.. Hahaha"

At sabay na kaming lumabas ng auditorium.. Masaya. Ai hindi. Masayang masaya.. :)

.....

Marami nga talagang mamamatay sa maling akala. At muntik ng madale ang feelings ko para sa babaeng mahal na mahal ko.. Pero dahil mas malakas ang fighting spirit ko kesa sa akala na yan, nagawa kong sabihin ang feelings ko sakanya. Tignan mo tuloy, everybody happy.. Hahahaha

Don't ever give up on something or someone you really love. Do your part. Every part. Unless, giving up is the only option available..

Time to end na.. Time to end sa mga akala. Ang mag step up na sa reality. Yung di ka na mag aassume. Yung may assurance kana. Yung may assurance nako sakanya...

When you thought she will be yours till the end of time..

Then your thoughts are right...

....THE END....

Time to endTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon