Limang taon na kaming magbestfriend sisirain ko na lang ba ito para lang sa pansarili kong kagustuhan : ang manatili sa tabi niya panghabambuhay.
Pero paano kung walang “habambuhay”. Paano kung pupunta na siya sa isang napakalayong lugar? Mapaninindigan ko pa kaya ang pagpapanggap na ito hanggang sa huli?
“….so ayun. Kailangan na daw magtrabaho ng tatay ko sa ibang bansa kaya sasama na rin kami ng nanay ko”, sabi ni Len.
“Bakit di mo kaagad sinabi sa akin? Bakit kailangan ko pang malaman mula sa mga teachers ! I hate you!”, sagot ko.
“Sorry na, Piglet.”
“Aba! Ikaw na nga ang maykasalanan ang lakas pa ng loob mong tuksuhin ako, Pooh!”
“Tingnan mo naiinis ka pero humihirit ka rin ng banat eh!”, pang-iinis niya.
“Hoy! Wag mong ibahin ang usapan, nagtatampo pa rin ako. So, kailan ba kayo aalis?”
“Sa umaga ng 25”, mahina niyang sagot.
“What! Birthday ko yun ah! Bakit sa 25 pa? At tsaka Christmas na yun eh. Bakit naman nagmamadali ang papa mo? At isa pa 21 na ngayon paano – “, sabi ko.
“Shhhhh!” Pinatong niya ang daliri niya sa bibig ko para manahimik ako.
“Alam mo, wala naman akong magagawa. Kailangan eh! Sulitin na lang natin itong last 3 days na magkakasama tayo ok? Tutal Christmas break na, punta tayo sa mga favorite mong lugar” , sabi ni Len nang mahinahon.
“Favorite ko lang ? Paano ka?”,tanong ko.
“Hay naku! Di na mahalaga yun basta mag-enjoy na lang tayo pra di ko malimutan ang mukhang yan. Pffff! Kamukha talaga ni Piglet.”
“Ang sama! Ang sama ! Ang sama!” Pinalo ko siya ng paulit-ulit pero tumatawa lang siya.
“Susunduin na lang kita sa bahay ninyo bukas.”
[ December 22,2013 - DAY 1 ]
Ganoon naman siya palagi. Sobrang easy-going,sobrang bait kaya sa 5 taon na pinagsamahan namin bilang magkaibigan ay hindi na ako nagulat nang ma-realize ko na inlove na pala ako sa kanya.
Pero paano yan.Aalis na siya?Mananahimik na lang ba ako? Bakit ang hirap ngumiti na lang at sabihin ang salitang “paalam” sa kanya?
“Hindi ko kaya.”
“Alin?”
“Ang sabihin ang nararamdaman ko.”
“Ano pa?”
“At ang mawala siya sa buhay ko.”
“Yun pala eh!”
“Yun na nga.”
“Teka, sino ba kausap ko?”
“Ako!”, sabi ni Rumi habang nakangiti sa akin.
“Whaaaaaa! Grabe ka naman bigla-bigla ka na lang sumusulpot diyan.”
“Hahahahaha! Kasi naman halatang-halata na sobrang lalim ng iniiisip mo. Kanina pa kaya ako sa harapan mo” , sagot ni Rumi.