Prologue:

5 0 0
                                    




Prologue:

"Sis feeling ko talaga may girlfriend na yang si Cj eh!" Lalaine told me while I was eating my apple. Muntik pa akong mabulunan sa sinabi niya. Si Cj may girlfriend na? Tss, I bet he'd rather read books all day than to talk to a girl.

"Are you serious Laine? Don't kid around. Alam mo namang sa sobrang sungit ng lalaking yun 'di na kumakausap ng babae eh." I told her and inirapan ko na din.

"Feeling ko lang naman sis! Umaandar lang ang radar ko, alam mo na hehe," sabi niya.

"Don't worry sis, ichi-cheer kita kay Cj babes para naman mapansin ka niya. Para di naman masayang ang effort mo kakasunod sakanya." aniya.

"Sus! Mapapansin din ako nun 'no! Masyado lang siyang choosy, alam mo na yung mga boys sa wattpad kapag ang babae ang naghabol lagi silang nafo-fall sa babaeng yun." I told her happily. I don't know why but I have this feeling na mapapasaakin din si Cj.

Habang nagdadaldalan kami about Cj dumaan sa harap namin si Arriane, napasunod pa ako ng tingin kasi sobrang ganda niya pala sa personal.

Ang tangkad niya pa tapos sobrang puti. Sobrang swerte siguro bg boyfriend nito! Ubod pa ng bait si Arriane. Wow! How to be you po?

Haha, nakakatawa naman 'tong mga iniisip ko. Maganda rin naman ako kaso maliit nga lang. Hindi kasi ako nabibiyayaan ng height nung nagpa-ulan si God. Just kidding!

"Sis" Laine called me.

"Oh? Alam ko maganda si Arriane, nasa kanya na ang lahat at-"

My jaw dropped. WHAT. THE. FRREAKING. HELL.

Did Arriane just kiss...


Cj on the lips?!


How dare she?! Carl Jeremy Fontejon is mine!

Hindi ko na napigilan mapasugod at hinila ko ang buhok niya at sinampal siya bigla.

"How dare you kiss Cj?!" sigaw ko sakanya. Nagulat siya sa ginawa ko pero bigla siyang nag-smirk. Did she just smirk at me?

I can't believe it, may tinataglay din pala na ka-demonyohan ang babaeng 'to. Looks can be deceiving nga talaga.

Naramdaman kong may humila naman sa braso ko. Hinarap niya ko sakanya at  hinawakan ng mahigpit ang dalawang braso ko.

It was... Cj


"Alexandria! Why did you hurt her?!" Cj asked me. I don't know what to say. I suddenly became speechless, ano nga ba ang sasabihin ko eh hindi naman kami?

Who am I to be jealous and act so harshly on her? I'm just an another girl who is crazy to him. Bakit ko ba siya binabakuran kahit wala akong karapatan?

I don't know the answer, my mind went blank for a moment. Masyado na akong naging possessive sakanya kahit hindi naman dapat.

Boys should chase girls right? They should be the one to pursue. Pero bakit ako ang humahabol sakanya?

"Kapag inulit mo ulit yun 'di kita mapapatawad Alexa" he said.

Lahat ng tao sa paligid ay nakiki-usisa na. Tss, mga tsismoso 'tong mga 'to!

"Grabe naman kasi siya, masyado siyang feelingera na sila ni Cj kahit hindi naman"

"Oo nga, diba matagal na siyang nire-reject niyang si Cj?"

"Matagal na nga. Eh makapal mukha niya kakahabol kay Cj kaya ayan napala niya"

"Ang bait bait ni Arriane tapos bigla niyang sinampal? Grabe, who is she para magselos at manakit ng ibang tao?"

'Kung magtsi-tsimisan kayo yung hindi ko naririnig ha?'

Kainis! Oo na, ako na ang habol ng habol kay Cj. Eh paano naman kasi niya ako mapapansin kung hindi ako magpapansin diba? Ang sungit sungit niya kaya! Tina-try ko lang naman kasi yung mga ginagawa ng mga girls sa wattpad kapag may lalaking masungit katulad ni Cj ang nakikilala nila. Yung girls ang mag pu-pursue.

Well, this is reality. Wala naman akong magagawa.

Napayuko na lang ako habang pinag-uusapan na lang ako ng mga tao sa paligid. Tinignan ko si Cj pero nakatuon ang atensyon niya kay Arriane.

Si Arriane naman paawa. Akala ko mabait hindi pala.

Biglang tumingin si Arriane sakin at nag-smirk ulit, nagulat ako. Napatunayan ko nga na hindi siya mabait. Fallen Angel. Tss.

Si Cj naman ang sama ng tingin saakin. Grabe ha! Ang sama ng mga tao saakin ngayon.

May naramdaman nanaman ako na humila sa braso ko. Bakit ba hila sila ng hila sa braso. Ting-ting na nga nga braso ko! Isang hila pa putol na talaga 'to.

"Halika nga dito! Lagi ka na lang napapahamak eh, sabi ko sayo layuan mo na kasi si Cj." Laine scolded me.

Napangiti na lang ako. Atleast I have a friend who is there for me when I need her.


•••

A/N: Na nosebleed po ako kaka- english. Haha joke lang po. Sana po magustuhan niyo 'to.

I'm trying to make a new one out of boredom 😂 skl

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon