You're Still the One

169 4 2
                                    

A/N---> hehehe. Another short story. Nahihirapan kasi ako gumawa ng mahabang story kasi hindi ako magaling gumawa ng plot. Kaya eto na lang. Based din sa mga tunay na pangyayari. Wow! Lalim! hehehe. Sana magustuhan niyo. Yun nga lang sinauna pa talaga yun story. hehehe.

♥♥♥

200X

Hay naku, another boring day... Anu kaya ang pwede kong gawin? Wala na naman masyadong magawa dito sa office. Tapos na kasi ang busy days this month sa work kaya pwede na mag-petiks.

Ahh! Alam ko na. Magcheck na lang ako ng emails. Baka nagreply na sa akin si Annie.

Kainis lang eh. Bawal kasi ang FB dito sa office. Hanggang yahoo mail lang ako para mabasa ko yun updates sa FB ko.

Browse.. Browse.. Browse..

Huwatt es des?

Wow lang ha? Really? Friendster? Hehehe. Masyadong makabago naman.

Message from Johnny Jimenez via Friendster

------------

Hello,

Kamusta na? Natatandaan mo pa ba ako?

----------

Hehehe. Natawa lang ako promise. Yun nag-email kasi ay ang aking high school crush. A long long time crush!

Mag-rereply ba ako? Hmmm... Sige na nga.

Nag-open ako ng Friendster sa phone ko. Dun lang kasi ako pwede magreply eh.

-------------

Hello,

Okz naman ako. Ikaw kamusta? Oo naman natatandaan pa din kita.

-------------

Sent!

Hay... Ano kaya ang nakain ng tao na yun? Himala sa himala na nag-message sa akin.

Natatawa lang ako dahil uso naman na ang FB, bakit Friendster pa gamit niya?

Hay... Naalala ko tuloy sya. Naalala ko kung kelan ko yun high school days namin.

Siya kasi ang dahilan ng 1st heartbreak ever ko. Pero wala na sa akin yun kasi matagal naman na yun.

Pero ngayon na nagparamdam sya, naalala ko na naman ang lahat...

========

part by part ko pala gagawin ang updates. medyo may kahabaan kasi pero mas madaliing gawin kasi alam ko naman kung anu ang isusulat. hehehe.

thanks po ^____^

You're Still the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon