A/N--> natatawa lang ako nun sinusulat ko eto. Ngayon ko narealize kung gaano na kalaki ang development sa technology. At narealize ko na bata pa lang ako, mahilig na talaga akong magbasa ng love stories. hehehe.
=================================
Noong panahon na yun, aaminin ko. Hindi pa uso ang cellphone. Meron ng may mga cellphone pero mangilan ngilan lang. Super mahal kasi ang cellphone nun. At ang load! Panalo lang! 300 ang isang loadan. Saan ka pa? Kaya hindi pa uso ang text text na yan. Kuripot na kung kuripot.
So ang uso pa nun mga panahon na yun ay love letter. Sige na! Kami na ang old school. Hehehe. Pero para sa akin mas nakakakilig ang makareceive ng love letter. Kasehoda na ang panget pa ng sulat. Hehehe.
"Uy Grace! May nag-padala sayo ng love letter oh," tuwang tuwa pa ang kaibigan ko na si Yen Yen.
"Naku, sinu naman kaya ang walang magawa na yan?"
"Grabe ka naman. Malay mo lakas tama sayo."
"Hmm... kayo lang nagpadala niyan eh. Secret admirer pa drama niyo."
"Hindi noh. Bakit ko naman gagawin yun? Sayang ang stationery. Hahaha."
Loka talaga etong kaibigan ko. Madalas kasi akong pag-tripan ng mga ito.
Mabasa nga...
Dear Grace,
Kamusta na? Wala lang.
Ingat ka palagi.
From,
Me
Hay hay! Napakalalim noh? Grabe lang ang message niya. Hindi ko kinaya. Kung sino naman ang walang magawa na yan.
-------------------------
Wala kaming teacher ng oras na yun. Kaya ayun, tambay kami sa labas ng room ng mga kaibigan ko. Yun iba nasa classroom at naglalaro ng kung anu ano. Ako ay nagbabasa ng Tagalog Pocketbook na si Helen Meriz pa ang sumulat.
Hay... Ang iingay naman ng mga tao sa loob. Anung kaguluhan kaya yun?
At bakit palapit sa akin ang lalaking eto?
Sino sya?
Si Johnny Jimenez lang naman.
Ano kaya ang kailangan niya sa akin? Hindi naman kasi kami close eh.
At ayun, nalaman ko na naglalaro pala ng Truth or Consequence ang mga guys.
Parang mga bakla lang eh. Lakas ng trip.
At ang puntirya nila.....
Ako lang naman.
Hay... Mga walang magawa nga naman oh!
-------------------------------------
Dahil sa kalokohan nila, naging conscious tuloy ako sa harap ni Johnny.
Basta kapag nandyan sa paligid ay hindi ako mapakali.
Bakit?
Kasi....
Oo na! Aaminin ko na. Crush ko sya.
Pero hindi ko maamin kahit sa mga close friends ko. Tutuksuhin nila ako panigurado eh.
At yun ang iniiwasan ko.
At kapag sinasadya nga naman.
Yun terror teacher naming sa Science na si Ms. Cory, iniba ang cheating arrangement. Nilagay niya ako sa bandang likod. At ang pinalit niya sa pwesto ko?
Oo sya nga!
Alam mo yun, wish ko na sana magkatabi kami.
Pero hindi eh. Twisted nga naman ang pag-kakataon.
Pinagpalit lang kami ng upuan.
Nakatabi ko si Jane. Isa sa matatalino sa classroom.
Naging close kami pero likas siyang tahimik eh. Saka ako kasi hindi seryoso sa pag-aaral ng panahon na yun.
Saka I hate Science eh. Favorite subject ko ay Math.
Kaya siguro ako nilagay ni Ms. Cory sa likod. Naiirita sya siguro sa akin.
Ganun lang buong school year. Hindi kami nag-papansinan ni Johnny. Ewan ko lang kung bakit ilang kami sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
You're Still the One
Short StoryMinsan ang pag-ibig ay maliligaw muna bago mahanap ang tunay na daan.