"Siarra alam mo grumaduate na tayo lahat lahat, nagkatrabaho na eto pa nga o reunion na natin pero until now NBSB ka padin, aba'y balak mo yatang tumandang dalaga" sabi ni Cams at dahil doon nagsitawanan lahat ng mga kaibigan ko nandito kasi kami sa isang resto ngayon kagaya ng sabi niya reunion namin magbabarkada.
" Siarra reto ko sayo yung kaooficemate ko. Ano gusto mo?" Lean said
"Tumigil nga kayo, wala pa sa isip ko 'yan. At saka may hinihintay ako kaya magtigil kayo." Sabi ko sa kanila
"Hahaha magtigil ka diyan Siarra kilala kita! Don't me! Hahahaha sino ba yang hinihintay mo si Jacob?" Sabi ni Crissy mga kaibigan ko talaga hanggang ngayon talaga kailangan nila akong hanapan ng lalaki kung alam lang sana nila.
Kung alam lang sana nila na ang lalaking nasa harapan ko nagyon ang siyang lalaking mahal ko kaso wala akong magawa e dahil kami lang ang nakakaalam ng relasyon namin at walang dapat makaalam noon dahil sa oras na malaman nila magkakagulo. Tsk!
Ang hirap pala nang sitwasyon ko. Minsan iniisip ko gusto ko ng sumuko napapagod din kasi ako ingit na ingit ako sa mga babaeng kayang ipagsigawan ng taong mahal nila na mahal sila ako ito hanggang sa amin lang na dalawa. Naiintindihan ko naman siya e. Magulo pa ang lahat nangako naman siya sa akin na sa oras na maayos niya lahat ipapakilala niya ako hindi bilang isang secretarya/ bestfriend niya lamang kundi bilang girlfriend niya.
" Jacob and I were just friend at isa pa may asawa't anak na yung tao kaya magsitigil kayo. purkit may mga asawa na kayo at may mga anak gaganituhin niyo na ako. For your Information malapit na yang sinasabi niyo. magkakaboyfriend din ako. Just wait!" Sabi ko sa kanila sabay tingin sa lalaking nasa harap ko.
kailan mo ba kasi ako ipapakilala Lloyd? Hanggang kailan ako kakapit sa pangako mo? Nginitian ko na lang silang lahat at uminom sa tubig na hawak ko. Pinagmasdan ko na lang ang mga kaibigan ko na masasaya.
Nakakainggit pala sila sobrang saya at kontento nila sa buhay nila ngayon. May masaya silang pamilya, mahal na mahal sila ng mga asawa nila halos ipagsigawan nila na mahal nila ang mga asawa nila samantalang ako heto oo girlfriend at boyfriend pa lang naman kami. six years na kami akalain mo yun tumagal kami ng anim na taon na kaming dalawa lang ang nakakaalam. sa anim na taon na pagsasama namin halos patago lahat. Sa harap ng mga kaibigan namin were just friends pero pagkaming dalawa lang were more than friends. Hanggang nagyon wala paring progreso na nagaganap gusto ko din naman magkaroon ng sariling pamilya, Gusto ko siya ang magiging tatay ng mga magiging anak ko for pete's sake I'm already 25 at malapit lapit nang lumagpas and edad ko sa kalendaryo.
"Guys I have a announcement" sabi ni Jaya na siyang pumukaw ng atensyon naming lahat.
"Spill it!" isa isa naming Sabi.
Tinaas niya ang kanyang kamay at nakasuot doon sa kanyang palasingsingan ang isang singsing.
"Ikakasal na ako. At lahat kayo ay invited" masaya niyang sinabi sa amin 'yun. I'm very happy for her. Isa-isa naman namin siyang incongrats dahil sa wakas ang man hater ng grupo ay ikakasal na. At dahil doon ako nanaman ang nakita nila.
"Lloyd I'm just curious. Sigurado ka bang bestfriend lang kayo ni Siarra to think na mas pinili niyang magtrabaho sa company niyo at secretary mo pa siya e may sarili din naman na business ang family ni Siarra." Sabi ni Elmo
"Yeah! We're just friends. Nothing more. At hindi naman purkit bestfriend kami ay kailangan na may mamagitan sa amin na mas higit pa sa pagka- kaibigan. Right Sia?" Sabi niya ng nakangiti. Saksak sa puso ko 'yun ang sakit pala marinig yun sa taong mahal mo. Ang itanggi ka niya pero naiintindihan ko naman ang sitwasyon namin e. Tinanggap ko 'to paninindigan ko.
BINABASA MO ANG
They Don't Know About Us
Short StoryThey will never ever know about us. -Siarra Cortez