Chapter 1

3 0 0
                                    

Naglalakad ako patungo sa paborito naming kainan ni Jude kung saan naming napagusapan ipagdiwang ang aming 2nd Anniversary. Hawak-hawak ang isang paper bag na may naglalaman ng regalo para sa aking nobyo. Ramdam na ramdam ko ang tuwa at pananabik sa aking nobyo dahil natapos na ang 2 buwan na paghihintay ko upang makita siyang muli mula sa kanyang trip sa Cebu.

*klingggg* dinig kong tunog ng chimes ng pintuan pagbukas ko nito

"Good Evening Ma'am Katie !" bati sa akin ni Isabel, malapit sa akin si Isabel sapagkat isa sya sa mga nakasaksi sa pag-iibigan namin ni Jude dahil madalas akong dalhin ni Jude dito simula nung nanliligaw pa lang sa akin si Jude hanggang sa sagutin ko siya, sa restaurant na ito nangyari ang lahat ng pinakamasasayang ala-ala na binubuo namin ng aking pinakamamahal na nobyo.

"Good Evening din Isabel!, andyan na ba si Jude?" bati at tanong ko sa kanya

"Opo Ma'am ! Kanina pa po mukhang excited nga po ang nobyo niyo dahil napakaaga niya dito, at seryosong seryoso po ang mukha mukhang may pinapraktis nga pong sabihin Ma'am. Baka magpopropose na sa'yo si Sir, Ma'am" kinikilig na sabi ni Isabel

"Naku !! Ikaw talaga Isabel puro ka kalokohan." biro ko, pero sa loob loob ko umaasa ako na sana nga totoo ang sinsabi niya dahil handa na akong makasama si Jude sa aking pagtanda para sa akin siya na ang Mr.Right ko. "Asan ba siya?" tanong ko.

"Sa dati niyo pa ding table Ma'am" sagot nito

"Thanks Isabel !"

"Welcome Ma'am! Basta pag kinasal kayo ni Sir bridesmaid ako ha tapos dapat gwapo din yung partner ko tulad ni Sir Jude hihi" dagdag niyang muli

"Hahaha, OO naman !!" sabay ngiti kong sabi

* * *

"Hi Babe! Happy Anniversary Babe, I miss you so much" bati ko kay Jude ng makarating ako sa table namin sabay yakap ng mahigpit at dinampian ko siya ng halik sa kanyang labi.

"Happy Anniversary Babe" matamlay niyang tugon

"I have something for you babe" sabay abot ko ng aking mumunting regalo sa kanya.

Tinanggap ni Jude ang aking regalo pero nilagay niya lang ito sa mesa, nagtataka na ako sa mga kinikilos niya dahil hindi naman siya dating ganito. Ang Jude na kilala ko ay sweet kahit maraming tao hindi siya nahihiyang hawakan ang aking kamay at yakapin ako lagi niyang ipinaparamdam sa akin na ipinagmamalaki niya na ako ang nobya niya. Pero bakit parang may mali ?

"Babe are you okay ? May sakit ka ba ?" Nag-aalala kong tanong sabay hawak sa kanyang noo.

"No, I'm fine" matipid niyang tugon. "Maupo ka na muna, umorder na ako ng makakain natin yung dati pa din naman yung gusto mo di'ba?"

"Ah yeah babe" masigla kong sagot, hindi ko pinansin ang nakakapanibago niyang kilos. "So, how's your trip babe ? Nag enjoy ka ba ? Obviously mukhang nag enjoy ka nga kasi mukha kang pagod dapat pala pinagpabukas na lang natin yung celebration natin para nakapagpahinga ka"

"Okay lang ako mas iniisip kita"

"Aww, ang sweet naman ng babe ko kaya mahal na mahal kita" pacute kong sabi, sabay pisil ko ng ilong niya.

Ngumiti lang siya bilang tugon sa aking sinabi. Sa totoo lang gusto ko ng tanungin kung may problema ba pero ayokong sirain ang magandang mood ng celebration namin 2nd Anniversary namin gusto ko maging isa ito sa memorable moment naming dalawa.

"Here's your order Sir" basag ng waiter sa katahimikan na nangingibabaw sa aming dalawa.

"Thanks" matipid na sabi ni Jude matapos mailapag ng waiter ang aming order.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon