My Stalker?

6 0 0
                                    

"Shit, Ba't ayaw mong gumana???!!! Line lang naman gagawin ko ahh? Bukas na pasahan!"

Mababaliw na ata ako. Bukas na pasahan nito at bukas ko din ipapaprint pero ayaw makibagay ng AutoCad. Dapat kasi manual drawing nalang argh! May sira siya!!

"Ugh, shit shit ano na???"

*notification: update settings...

Ano nanamang kalokohan ng laptop nato? Kainis! Simula ng i-update ko tong laptop na to nagkandaleche-leche buhay ko!

Bahala na maclick na lang baka umayos pa tong laptop ko...

*Ting

Tangina ba't naging black lahat...

Hala...may lumabas na black dialogue. Ito ung mga bagay na ayaw kong makita sa mga softwares ehh. Ano nanamang kalokohan to Rica?

C::........
C::........
C:: Start

Hala may lumabas ulit pero puti namang dialogue.

*pop-up

Unknown: Hello...

Tangina ano to, di ko maclose ung program.

Unknown: Sorry di mo siya masasara. May tinetesting lang kasi ako. Kung nababasa mo to please pakireply naman.

Ngayon ko lang napansin. Mukha pala siyang messenger.

You: HOY KUNG SINO KAMAN PLEASE WAG KANG DUMAGDAG SA STRESS KO...

Ay shit delete delete baka sirain niya laptop ko. Di ko pa nasasave ung isa kong gawa.

You: Kuya/Ate please wag nyo na po kong gambalain. Ung iba nalang po. Busy po kasi ako.

*SEND

*pop-up

Unknown: Sorry. Tinitingnan ko lang kung gumagana ung program na ginawa ko. School Project ehh.

Whatda...ginagawa pa ata ako nitong guinea pig ahh...EXPERIMENT?!

Unknown: ohhh wag ka naman sumimangot diyan.

Ano to nakikita niya ako or nafefeel niya lang?

Unknown: Sorry nakikita kita sa cam mo ehh. Another feature sa program ko.

Ang creepy ng programer na to ahh! Stalker ko ba to? As if naman!

Shit anong gagawin ko? Nasa dorm pa naman ako at curfew na namin. WALA AKONG MAHIHINGAN NG TULONG!!

"Ang tanga mo kasi Rica! Ok calm down. Bukas ipapaayos natin to pero kailangan ko munang isara tong cam ko."

Binuksan ko ung anti-virus program ko at shit lang bakit naka-open na ang camera ko sa Settings? Di kinaya ng 360 Security?!

Sabi ko nga po, di na po ako mag-cacrack ulit. Bibili na po talaga ako ng installer next time!

Ayy may sticky note pala ako! Wait mailagay nga...

Unknown: Ayy tinakpan mo, sayang naman...

"Tangina ang creepy mo! Di ako makagawa sa'yo hah!! Sira na nga AutoCad ko. Dagdag stress ka pa!"

Unknown: Palamura ka pala...may ginagawa ka din bang project? Anong sira? Tell me, I can fix it.

"Shit naririnig..."

Unknown: Another feature ulit.

"Ipapakulong kita! Stalker!!"

Unknown: Wag naman. Sige isasara ko na ung microphone and camera mo.

Buti naman!

You: Please wag nyo na po akong guluhin. Nakakastress na po. Di ko po mapagana ung angle sa line. So pleaseee

Nanghihingi ba ako ng tulong dito? Hay ewan magulo na ang utak ko

Unknown: Sige di na kita guguluhin at aayusin ko nalang yan...

What? maayos nya ba yun...

Unknown: I-regenerate mo ung drawing file mo

You: Po? How?

Unknown: I mean. Type mo "RE" then enter

Ginawa ko ung sinabi niya at bumalik na ulit ung angle sa AutoCad ng laptop ko.

You: OMG thank you po!!

kahit ang creepy mo

Kinabukasan

Umuwi ako ng bahay para sabihin sa mom ko ung nangyari at mapaayos na rin to

"Yan kasi Rica! Sabi ko sa'yo wag kang download ng download ng kung anu-ano! Di pa nakaka-isang taon yang laptop mo sayo hah!!!" litanya ng mom ko

"O sya ipaayos natin yan sa anak ng ninong Rey mo. Mahal din magpaayos ng laptop."

Habang nag-cecellphone ako...dumating si ninong Rey at ang anak niya..

"Oh Rica anong nangyari sa laptop mo?"

"May siraulo pong nanghack ng laptop ko ehh." sabay mano kay ninong Rey

"Ay siya nga pala si Reymark. Siya mag-aayos ng laptop mo. Galing yang Canada duon nag-aaral ng kung anumang tungkol sa laptop o computer na yan. Kaya baka nakalimutan mo na siya."

May lalaki palang anak si ninong?

"Pwede ko bang matingnan ung laptop mo?" sabi niya habang kaway sa mukha ko

Ayy nakatulala pala ako sa kanya. Ang gwapo niya kasi! At kaming dalawa nalang pala sa sala.

"Sige kukunin ko lang. Hintayin mo ko."

Nilagpak ko sa mesa ang laptop ko.

"Paano ka ba hinack nung hacker?" sabi niya

"Ganto kasi yan, ya-"

"Pero ayos na ba talaga AutoCad mo? Nagawa mo ung floor plan na pinasa mo kanina?"

Tangina...

My Stalker?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon