Dear future boyfriend,
Paano ko ba sisimulan to? hmmm... una sa lahat Hello sayo! :) hindi ko pa kasi alam kung kilala na kita o hindi pa. kung nagkita na ba tayo noon o hindi pa. pero isa lang ang alam ko, kapag nagtagpo ulit ang landas natin, hindi ko na hahayaan yung pagkakataon na yun. everyday ipinagdarasal ko kay Lord na sana magkita na tayo. na sana makilala na kita, pero eto ako hanggang ngayon nag-aantay parin sayo. pero OKAY LANG! hindi naman ako napapagod na mag-antay eh. kasi alam ko na worth it yung pag-aantay ko. sabi ko nga, "Busy pa si Lord, kasi ginagawa pa niya yung love story natin. ''
Gusto ko tuwing kasama kita eh masaya tayo. alam ko walang '' Perfect relationship''. at walang salitang '' Forever at promise''. pero sana gusto ko sa relasyon natin na patunayan natin yung mga salitang yan. at nag-eexist parin kahit sa tingin ng marami eh hindi na. gusto ko masaya tayo sa isa't isa. na kahit may tampuhan o selosan eh sa huli magiging okay rin ang lahat. ang dami kong gustong gawin na kasama ka. ang dami kong gusto ikwento tungkol sa buhay ko. excited na akong makita at makilala kung sino ka. sana ikaw rin ganun. basta lagi mong tatandaan na nandito lang ako, hindi pa man tayo pinagtatagpo balang araw magkikita rin tayo. '' In God's time.''
Kung sakaling dumating ka na sa buhay ko, hindi ako humihingi ng perpektong relasyon. ang gusto ko lang ay pareho tayong masaya sa piling ng isa't isa. gusto kitang ipagmalaki sa aking pamilya, at sana ipagmalaki mo rin ako. dapat balanse ang relasyon natin kumbaga, give and take lang. kapag nagkaroon tayo ng tampuhan ay pag-uusapan natin ng masinsinan. ayoko matulog tayo ng may bumabagabag sa ating isip at puso. kapag namamasyal tayo, hangga't maaari ayoko buhatin mo ang aking bag. siguro sweet sa iba kapag ginawa yun sa kanila pero kasi para sa akin awkward tignan. tsaka kaya ko naman yun. ayoko mangako sayo pero gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang maipakita at mapadama sayo kung gaano kita kamahal. siguro may mga taong tatanggi sa ating relasyon... pero handa ako ipakita sa kanila na ''WORTH IT'' kang magmahal. may pagkakataon rin na may pagka-moody ako ng isang linggo, pero sana ay maintindihan mo yun. sabay natin gawin at abutin ang ating mga pangarap sa buhay. at ipagdadasal ko rin sa diyos na sana makasama kita habangbuhay... wala naman imposible diba? at libre mangarap. mukhang mahirap ang mga sinasabi ko, pero kung gugustuhin talaga may paraan upang mangyari to.
PS: Sana marunong ka magluto para maturuan mo ko. 😊
Love,
Your future Girlfriend
BINABASA MO ANG
Dear future Boyfriend ^__^
Short StoryHello sa lahat ng mga readers! :) sa totoo lang di ako magaling pagdating sa mga ganito... first time kong gagawa dito WATTPAD. kaya sana pagpasensyahan nyo nalang tong ginawa ko. hehe! :)