Sana magkapitbahay tayo

87 1 0
                                    

  Siguradong matutuwa ako kapag magkapitbahay lang tayo. araw-araw akong gigising ng maaga para mag-ayos ng mukha ko. at hindi mo malalaman na may araw akong hindi naliligo, kasi pag nangyari yun,araw-araw na akong maliligo hehe! kapag magkapitbahay na tayo ang saya ko siguro nun. lagi tayong magkasama, laging nakatambay sa tindahan at nagkukwentuhan, madali lang kita puntahan kapag may problema ako. Oo mamimiss pa rin kita kahit magkapitbahay tayo. ang saya saya ko siguro nun, at ikaw din panigurado ay masaya din.

Kapag magkapitbahay na tayo, may gabi siguro na tatakas tayo sa mga bahay natin. at maglilibot lang gamit ang bike mo sa lugar natin. ieenjoy lang natin yung simoy ng hangin sa gabi at magtatawanan na para bang wala ng bukas. may mga gabi din siguro na dyan ako matutulog kasi mga napagalitan tayo ng magulang natin. may mga gabi din siguro na andito ka sa tabi ko kasi umiiyak ako dahil may problema sa pamilya.

Kapag magkapitbahay na tayo, sigurado minsan na lang kita mamimiss, kasi araw-araw na kitang nakikita eh. ^__^ haist... sana magkapitbahay na lang tayo para sobrang lapit mo na sa akin. kakatok na lang ako sa pinto nyo kapag kailangan ko ng kasama at kapag may problema ako.

PS: Isa yan sa mga pangarap ko na kasama ka. ^__^

Dear future Boyfriend ^__^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon