♥ Chapter 2 ♥ : FIRST Assume!

317 31 46
                                    

"Ouch! Sino ba yun?! Grrrrr... Humanda ka sakin!" Aba, may nag-attempt pang bumato sa magandang katulad ko! Bwisit.. Panira 'to ng araw ah!

Dahil sa sobrang asar ko, agad-agaran na kong humarap sa likuran ko para banatan kung sino o ano man yung pesteng bumato sa'kin. /Pa-siga effect ang lola mo hihi.

"Peeeesss-----!!" Sinamahan ko pa ng akma nitong kamao kong nakakuyom (closed fist) sa kung sino o ano man yung pesteng nasa likuran ko.

Ngunit bigla akong napatigil!

*Freeze!*

Nagulat ako sa nakita ko! Is this for real?!

Hindi ako makapaniwala.. OH MY!!!

Nanatiling naka-akma ang kamao ko sa aking kaharap. Hindi ko na to nakuhang ibaba. Nagmukha tuloy akong pampaswerteng pusa sa tindahan.

Hindi talaga ako makapaniwala na siya ay...

I-Isang..

Isang!

Isang!?!

Nakakasilaw! Maganda at maamong babae?! Huwaat?! Wait! Let me describe her first..

Maputi! (Mas maputi pa sa harina!) Lumunok yata to ng sampung baldeng glutathione!

Matangos ang ilong! (OVER! Sa sobrang tangos nito, kitang-kita na yung kaloob-looban ng butas ng ilong nya, in fairness, walang *censored* Hihihi. Pasintabi po sa mga kumakain over there!)

Mapupungay ang mga mata!(Yung tipong bagong gising na walang muta.)

RED and glossy lips?! (Para sakin, mukha itong pinadugo at isinawsaw sa mantika.)

Mukhang syang rich kid at elegante, naka Louis Vuitton pang bag pa at maraming accesories! Shining bright like a diamond!

Bagay na bagay sa kanya yung school uniform! (Bigla tuloy akong napatingin sa suot ko, lamang pa rin naman ako ng limang paligo! Hihi)

Matangkad sya ng konti sakin! (Mga 5'7 siya siguro)

At Sexy! (Pero mas sexy pa rin ako noh! Ideal figure yata tong sakin!)

Okay! Tama na ang talakayan tungkol sa kanya! POV ko to kaya kailangang sulitin. Back to reality na!

"Peeeesss----- Peace be with you po! hihihi!" Biglang palusot ko sa kanya. *Sigh* Buti nalang at matalino talaga ako! Sabay  taas ko ng dalawang daliri bilang peace sign. Sana gumana tong palusot ko!

"Ahh.. Likewise hehe. Miss, Are you okay?" Tanong nya sakin with matching unbelieving look. Shunga ba sya o ano? Nakita naman nya sigurong tinamaan ako ng lata! I-try ko kaya yun sa kanya?!

Kala ko pa naman perpektong dalaga na, yun pala may pagka-boplaks si ate. Hihihi.

Di sya katulad ko, may beauty na, with brains pa! San ka pa? Hohoho!! Buti nalang at may kabobahan sya, kung hindi, baka nasira na kaagad ang maganda kong pangalan sa school na to.

PERO...

MAY ISANG EXCLUSIVE AT MALAKING KATANUNGAN ANG UMIIKOT SA ISIPAN KO...

Sino kaya yung walang pakundangang bumato sa prinsesang katulad ko? Ang weird naman kung sya ang gumawa nun, mukha naman kasi syang mabait, may Maria Clara effect, down-to-Earth ang look at higit sa lahat.. May BREEDING! (Parang aso lang? Hihi).

Si Era AssumeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon