Chapter-1

89.5K 1.4K 19
                                    

NOTE: PLEASE FOLLOWED ME TO READ SOME PRIVATE PART'S

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NOTE: PLEASE FOLLOWED ME TO READ SOME PRIVATE PART'S

SPG/18+

***

SALUBONG ang makapal na kilay, naningkit ang mga mata at kuyom ang kamao sa matinding galit na nararamdaman.

"Boss Dave, nasa email mo ang confirmation at buong detalye ng taong responsable sa buong pangyayari. At ito naman ang clear photos na kailangan mo."

"Ibigay mo sa akin at siguraduhin mong walang papalpak sa inyong lahat. Bring her to my island and make sure na malinis at walang sabit ang trabaho niyo, maliwanag ba?"

"Yes, Boss Dave."

Dinampot ang intercom at tinawag ang kanyang secretary, "In my office now!"

Segundo lang ang lumipas ay pumasok ang secretary niya. "Sir, kagaya ng utos mo, kenasela ko na ang tatlong meeting mo sa Manila Pen, ang lunch date mo sa Hyatt Hotel with Ms. Evangeline Cruz at nag isyu na ako ng warning notice sa buong departamento tungkol sa kumalat na balita, ang nangyari kay Boss Dale."

"Good! And one more thing, mawawala ako ng ilang araw. Bawal ang sinumang magtatangkang pumasok sa opisina ko."

"Yes, Boss Dave."

Paglabas ng secretary niya ay tinawagan ang kanyang mga bodyguard. "Maghanda kayo at aalis tayo." Call ended.

Dinampot ang coat at tuloy tuloy na lumabas ng opisina. Pagdating sa pinaka baba ng building ay sumaludo at nagyukuan ang lahat ng mga empleyado kasama na ang mga bodyguard niya.

"Gonzalgo VIP Private Hospital..." natigilan siya sa pagsasalita ng mamukhaan ang taong papasok sa entrance. Lalapitan sana niya ito ngunit mabilis ang lakad at parang hindi siya nakita. Kaya suminyas siya sa isang tauhan upang sundan ang taong iyon kung saang floor pupunta. Pagkatapos ay tuloy tuloy na lumabas, kasama ang sampung bodyguard.

Tatlong SUV ang naghihintay sa mismong tapat ng entrance, ipinagbukas siya ng kanyang personal bodyguard at pagsakay niya ay agad na unusad ang sasakyan.

-

Dave Montemayor, the eldest billionaire triplets, hinahangaan at tinitingala ng kahit sino. Makisig, gwapo, matangkad, may mga mata na kung tumitig ay nang-aakit. Inaasam at pinapangarap ng kahit sinong babae ang isang tulad ni Dave, ngunit walang isa man ang binigyan ng atensyon sapagkat nakatakdang ikasal sa kababata nito.

Kasalukuyang patungo sa ospital upang silipin ang kapatid, the youngest triplets Dale Montemayor, sa mga oras na iyon ay agaw buhay dahil sa kagagawan ng isang babae. At dahil sa pangyayaring iyon ang dating mabait, mahinahon at mapagmahal na si Dave, ay napalitan ang puso ng galit, poot at paghihiganti.

"Tumawag na ba si Mr. Pilot?"

"Yes, Boss Dave, ready na raw ang lahat."

"Good! At tungkol sa investigation, walang kahit isa man sa inyo ang maaaring magsalita, maliwanag ba?

BOOK #2: FORCED BY A BILLIONAIRE DAVE MONTEMAYOR (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon