Unang Kabanata

20 1 0
                                    


Oras na para sa bagong kabanata ng aking buhay. Unang taon ko sa kolehiyo at isa ako sa mga masuswerteng napili ng napaka garang paaralan na tinawag nilang 'Le Monri Academe.'

Naging taniyag ang paaralang ito dahil sa galing raw mag turo ng mga Guro at napakaganda ng mga establiyamentong makikita sa loob ng mismong paaralan.

Aaminin ko, Kung pipiliin ng paaralang itong magpabayad ng tuition ay malamang na hindi ako makakapasok dito dahil paniguradong hindi lamang apatnapung libo ang maaring bayad sa tuition kundi ay mas higit pa.

May kaya lamang ang pamilya ko at kundi pa mag hahanap ng mga karapatdapat na scholars ang mga bagong may ari ng paaralang ito ay hindi pa ko makakapasok.

Pangarap ko talaga ang makapag aral dito dahil ito ang nakita kong paraan upang makamit ang mga pangarap ko sa buhay- Magaling nga silang mag turo at magiging mas maayos kung mas madali akong makakasunod sa mga lessons para narin di mangyari yung tiyansang bumagsak pa ako na siyang puwedeng maging dahilan ng pagkabagsak ng mithiin ko sa buhay.

Nagsuot na ko ng uniporme. Maski sa uniporme ay napakaganda ng disenyo, isang vest na kulay itim at kulay pulang palda na hanggang tuhod lang ang abot at ang pantakip naman sa hita ay ang kulay itim na mahabang medyas.

Bago ako bumiyahe papunta sa Le Monri ay kinuha ko muna ang aking imbitasyon at requirements at ang pang huli ay ang aking I.D.

'Chasity Adams.' Yan ang ibinigay na pangalan saakin ng aking mga magulang at yan ang pangalang nakalagay sa hawak kong I.D at sinabi rin ditong labing walong taon na ako na siyang totoo rin naman at tiyaka ko naalala ang panahong sinusulat ko pa lamang ang mga ito para mag take ng entrance exam at di ko talaga aakalaing isa ako sa mga mapipili.

- - -

Nakatungtong na ang aking mga paa sa tapat ng iskwelahan. Sa labas pa lamang ay mapaghahalataan mo na kung gaano kaganda ang paaralang ito. Mukha itong kastilyo at tiyak na napahanga nga ang iba pang mga estudyanteng kasama ko ring napili.

Lahat sila ay manghang mangha sa itsura ng paaralan mula sa labas. Damang dama mo ang pagka excite ng mga mag aaral na pumasok.

Limampu lang kaming lahat, Dalawampung limang babae at dalawampu ring mga lalaki. Weird man tignan pero ganun lang talaga kaunting estudyante ang kinukuha nila kaya nga natagurian kaming maswerte at espesyal.

Panay parin ang pagbulong ko sa aking sarili kung gaano ako kaswerte hanggang sa may babaeng mukhang nasa middle 50's ang nagbukas ng pinto kasabay ng mga tilian at pag hihiyawan dahil sa wakas ay makakapasok na kami.

"Please, Line up." Walang emosyong anunsyo ng babae na agad namang sinunod ng mga kapwa ko estudyante. Binilang muna kaming lahat bago kami makapasok at tiyaka namin tinungo ang loob ng Le Monri at sumalubong kaagad saamin ang maaliwalas na loob nito.

May malaking fountain sa gitna at napakaraming puno dito. Sa loob ng school ay matatanaw mo na kaagad ang mga lockers na nakasandal lamang sa pader at kulay itim rin ito. Isa isang ibinigay saamin ang aming mga susi para sa dorm na nasa likod ng main building kung nasaan ang mga classrooms.

Kaagad na nag takbuhan ang mga estudyante patungo sa dorm building ngunit parang may nakakuha ng atensyon ko bago ako tumungo sa dorm. May pulang mantya sa pader at mukhang hindi ito sinadyang ilagay lamang diyan dahil pakalat ang pagkasplatter dito.

"Hija, Bakit hindi kapa umaakyat? You shouldnt be staying here all alone." Nagulat ako ng bigla akong kalabitin ng matandang babae na nagbukas ng gate. Tingin ko ay siya ang Dean ng paaralang ito dahil sa kaniyang itsura at nakalagay ito sa kaniyang I.D.

"Sorry po Dean, May napansin lang po ako. Tiyaka sana po wag kayong mang gugulat dahil may sakit po ako sa puso." Humingi siya ng paumanhin saakin at tiyaka niya tinignan ang pulang mantya at maski siya ay napakunot ang noo dahil sa nakita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DEADLY SINSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon