Tomboy Turns To Girl

117 1 0
                                    

Ako nga pala si Irish Stephanie Nicole Perez-Anderson. Magf-first year highschool ako sa William Academy. Only daughter, I mean, only SON. =_=

Nagtataka kayo kung bakit sinabi kong "ONLY SON" ako? Tsk. Isa akong lesbian, tomboy, tiboo kahit ano pang tawag niyo. Basta, nasa katawang babae ako, pero pusong lalaki.

Haha! Pero ang ganda at ang haba ng pangalan ko no? Tsh. Nadevelop lang kasi itong pagka-tomboy ko ngayong bakasyon.

Di alam ng mga parents ko na tomboy ako. Pero pagkasama ko sila, syempre, nagdadamit at umaasta pa rin ako na parang babae. Sinanay kasi ako ng mga parents ko na sumasama sa mga social gatherings nila. Kaya palagi akong nagsusuot ng mga formal DRESS.

Hindi naman ako naiilang kapag nagsusuot ako ng ganun. Tiyaka itong pagiging tomboy ko, di naman mula sa puso ko. Deep inside, mas marami pa rin akong attitude na pagiging babae.

Alam kong naguguluhan kayo sa akin. Basta, iba ang attitude ko kapag kasama ko ang mga kaibigan ko o kaya kapag nasa school ako. Tomboy attitude ako.

Pero kapag kaharap ko o kaya kasama ko ang mga parents ko, ugaling babae ako.

Hindi naman ako yung tulad ng ibang tomboy na nagkaka-relasyon sa kapwa babae nila. Concern pa rin naman ako sa sarili ko. =_=

Sige, tama na ang tungkol sa sarili ko.

Papunta ako ngayon sa mall para bumili ng school supplies ko. Malapit nanaman kasi ang pasukan. =_= Tsh. Bagong lipat din ako dun sa William Academy. Diyan ako in-enroll ng parents ko. At ewan ko ba kung bakit diyan pa. =_= Ayaw ata nila dun sa dati kong school.

"Young lady, andito na po tayo" sabi ng driver ko. Naaasar ako kapag tinatawag akong young lady. =_= Lalaki nga ako diba? Tsk.

"Pwedeng next time, kapag hindi ko kasama ang pamilya ko, huwag mo akong tawaging young lady?"

"Y-yes po" nakayukong sabi ng driver ko. Oo, driver ko lang yan. =_=

"Good" tapos umalis na ako at pumunta sa mall.

Pagkapasok ko, pumunta ako kaagad sa National Bookstore. Pumili ako agad ng mga notebooks ko. Ang pinili kong design, Scooby-Doo. Mahilig ako sa aso eh. Tapos medyo may pagka-boyish din naman. ~~)

Kumuha na rin ako ng ballpen, liquid eraser, papel, at iba pa.

Nagtataka kayo kung bakit hindi ko kasama ang mga magulang kong bumibili ng gamit ko?

Busy sila sa company namin eh. Sanay naman na rin akong mag-isa ko lang na pumapasyal at gumagala. Naiintindihan ko sila.

Pagkatapos kong bumili, nagbayad na ako sa Cashier.

Pumunta muna ako sa McDo para bumili ng sundae. Paborito ko yan. ^^

After kong um-order, pumunta na ako sa parking lot. Tapos umuwi agad ako sa bahay.

Pagkadating ko sa bahay, walang tao. Puro mga maids lang namin.

Haaay. Tss. Nasasanay na ako na wala akong mga magulang na kasama. Palagi silang put of town. Pero mostly, out of country sila. Kung minsan nga, niyayaya nila akong sumama sa kanila eh. Ayoko. =_= Ayoko munang iwan ang Philippines.

Humiga na ako sa kama at nagsalpak ng earphones. Matutulog na ako. -_-

Tomboy Turns To GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon