ALAM KO NA!

17 1 1
                                    

Mayumi's point of view



Nandito ako ngayon sa school library while naghahanap ng libro na pwedeng basahin. Wala kaming teacher ngayon kaya naisipan ko na lang na dito muna ako since wala naman akong magawa sa classroom. Ang iingay tapos puro nonsense lang naman ang naririnig ko.




I'm Mayumi Hayashi. Highschool student. Isang simpleng babae. Hindi naman ako isang nerd pero nakasuot ako ng salamin. Trip ko lang naman to at saka wala naman grado tong salamin ko.Haha.




Bigla na lang ako nagtago sa kabilang bookshelf nang makita ko sina Ian kasama ang mga kaibigan niya.




Oh no! Nandito si crush! Anong gagawin ko? Wala naman akong ibang madadaanan since ito na ang huling bookshelf dito sa library.




Chillax lang Mayumi. Inhale. Exhale. Wala naman mangyayari sayo kapag nadaanan mo si Crush. Yup! Crush ko si Ian Santiago. Matagal ko na siyang crush since 1st year highschool kami. Tatlong taon ko na siyang crush since 3rd year highschool na ako.




Di lang naman nila ako mapapansin dahil busy sila sa pakikipag-usap diba? Oo. Di nila ako mapapansin. At saka hindi naman alam ni Ian na crush ko siya. I just have to walk and then, ostensible not knowing them that wala sila dito. Ganyan! Okey.




1




2




3




Ouch! Ang sakit ng pwet ko. Bigla na lang ako napaupo sa sahig. Paano ba naman kasi eh maglalakad na sana ako nang bigla ko na lang siya nabangga. Mabuti pa siya kasi nasalo siya ni Lim. Yong mga libro na hawak ko kanina ay nakakalat na ngayon sa sahig at pati na rin ang salamin ko.




"I'm sorry. Hindi ko sinasadya" dinig kong paumanhin niya tapos tinulungan niya akong kunin ang mga libro ko.




"O-Okey lang." Okey na okey kahit masakit yong pwet ko basta ikaw lang. Ahuehue. Pero shit lang. Nauutal ako.




Hindi ko talaga maiwasan na tumingin sa napakagwapong mukha niya. Grabe. Ang gwapo talaga niya. At hindi lang gwapo. Ang gentelman pa niya hindi katulad nitong mga kaibigan niya. Ang puti pa niya. Ang tangos pa ng ilong at mahahabang pilikmata. Grabe! In short PERFECT.




Ang pula pa ng labi niya. Ahuehue. Pero sandali lang. Bakit siya nakangiti? Anong meyron? Bigla na lang ako napatingin sa mga kaibigan niya dahil panay sila nakatingin sa aming dalawa. And take note ha! Lahat sila nakangiti. Anong meyron?




Imagination ko ata to. Pero iba to sa imagination ko.




Napailing na lang ako. Kukunin ko sana ang salamin ko nang bigla na rin niyang kukunin kaya bigla na lang niya nahawakan ang kamay ko. O///O. OMG! For the first time in history niya ako nahawakan but in a accident way. Pero kahit na! Ahuehue. Kinikilig si lola ninyo!




"Ahm!" bigla na lang ako napatingin na naman sa mga kaibigan niya. Mas lumawak ang ngiti nila. Ano ba talaga ang meyron?! Tumingin naman ako kay Ian tapos ang lawak rin ng ngiti niya.




ALAM KO NA! ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon