Only Chapter

10 0 0
                                    

"Hinding hindi ako manghihinayang kahit mamatay ka ngayon," sabay hampas ni mama sa akin ng mahabang kawayan. Tumama ito sa mukha at nadamay ang labi ko, kaya nagdugo ito ng marami. Dahil bata ako, umiyak ako ng umiyak pero, kahit mura pa ang edad ko noon, hindi na naalis sa isip ko ang mga salitang iyon ni mama sa akin.

"Text mo nga ang kapatid mo. Gabi na bakit wala pa," utos niya sa akin. Si papa, nagluluto ng ulam habang 'yung bunso sa apat naming magkakapatid ay gumagayak para magpunta na naman sa kanyang mga barkada.

Araw-araw, 'yan ang gawain niyan. Gigising sa umaga, maghihiamos, magkakape, kakaing ng umagahan, tutunganga sa T.V. habang hinihintay na matapos ang paglalaba ni mama, tapos kapagnatapos na, isasampay niya, saka siya maliligo, magluluto naman ng ulam si mama at pagkaligo niya, kakain siya at huhugasan ang kinainan niya na para bang siya lang ang nakatira sa bahay saka matutulog. Ni hindi niya man lang hinintay na makakain kami ni mama.

Ako naman,buong buhay ko na yata simula ng maalis ako sa trabaho ko noong magbawas ng mga tauhan sa pinapasukan ko, kahit hindi pa end ng contract ko, hindi na ulit ako nakapagtrabaho lalo pa at lalong humirap ang buhay namin. Ewan ko ba, parang ang malas-malas namin.

Mabuti na lang, nakapagtrabaho 'yung sumunod sa akin. Si mama, nangungutang 'yan kung kanikanino para patapusin sa kolehiyo 'yung pangatlo kong kapatid. Akala niya pa nga, si kuya niya ang dahilan kung bakit siya nakatapos. Hindi niya alam, nalubog si mama sa utang para makatapos siya.

At ako? Ano nga ba ang role ko? Wala naman akong kuwenta. Palamunin ako at hindi nagtatrabaho. Tama nga sila. Bakit nga naman hindi ako magtrabaho eh wala naman akong napapala dito sa buhay ko. Tumatanda na lang ako na walang kuwenta. Kababaeng tao, palamunin. Kadalagang tao, walang pagsisikap sa buhay.

Kaya naman, kahit ayo'kong iwan si mama sa bahay dahil alam ko naman na iiwan-iwanan siya ng bunso kong kapatid, sumige parin ako at natanggap nga ako sa trabaho at pinahinto ko na si papa sa pananahi dahil walang makakasama si mama sa bahay dahil alam ko naman na iiwanan siya mi Gerome mag-isa para lang sundin ang luho niya. Ang mag-pisonet.

Hanggang sa isang araw, dahil sa mahilig ako mag-facebook, nakakilala ako ng isang lalake na naging kaybigan ko. Nahulog ang loob ko dito. At dahil nga gusto ko siya, sinabi ko ang feelings ko hindi para maging kami. Hindi naman kasi ako umaasa na mahalin niya rin. Alam ko sa sarili ko at tanggap ko nang hindi niya ako magugustuhan. Sinabi ko lang naman. Pero sabi niya, crush niya naman daw ako. Sabi ko sa sarili ko, crush... mawawala rin 'yun pero atleast, meron kaysa wala.

"Wala ka na ngang silbi, kung anu-ano pa ang inaatupag mo. Magbantay ka ng tindahan! Huwag kung anong kinakalikot mo wala ka naman napapala," galit na wika ni mama sa akin isang araw nang magpaalam ako na aakyat lang sana sa secondfloor para sana tumambay saglit at makihiram ng gitara. Naiinip na kasi talaga ako. Noong nakaraan ko pa nga sinasabing mag-aalply ako ng trabaho pero ayaw niya dahil wala daw pera. Meron naman talaga eh. Sinabi ko nga 'yun sa kanya pero ang sabi niya, nilalaan niya raw iyon sa pagpapa-ayos ng bahay.

Sumunod na lang ako. Kasi naman, ayo'ko na makipagtalo pa. Hayaan na. Hanggang sa palaging sumasama na ang loob ko. Feeling ko kasi, mainit na agad ang mata nila sa akin konting may iba lang akong gagawin. Kulang na lang, badagin nila ang cellphone ko dahil ito na lang palagi ang inaatipag ko. Hindi nila alam na ito na lang ang pamatid ng inip ko. Hindi nila alam, gusto ko sana munang makatulog kahit saglit lang.

Hanggang sa isang araw, nag-away kami ng kapatid ko. Sa galit ko, umalis ako ng bahay dahil pakiramdam ko, pinagtulungan ako ng lahat.

"Putang-ina ka, wala ka ngang silbing hayop ka eh! Magtrabaho ka kasi!" sabi ng kapatid kong sumunod sa akin.

"Palamunin 'yang hayop na 'yan kung makapagreklamo pa akala mo may naitutulong sa bahay!" galit na sigaw ni mama.

"Alam kong wala akong silbi! Alam ko naman na palamunin ako eh. Baka nga ako ang malas sa bahay na ito kaya nagkakandahirap-hirap kayo," sabi ko.

"Siguro nga! Puta, bakit kasi hindi ka na lang mamatay!" sabi ng kapatid kong sumunod sa akin.

Damn. Ang sarap ang sa pakiramadam. 'Yung sabihan ka ng ganoon? Galing pa mismo sa pamilya mo. Ang sarap. Ang sarap sobra.

"Kung puwede nga lang eh. Kung puwede lang! Baka kapag namatay ako, gumanda at gumaang ang buhay niyo. Sana nga mamatay na ako para matupad ang hinihiling mo," sabay talikod sa kanila. Umalis ako ng bahay kasi hindi ko kaya manatili doon eh. Ang sakit lang.

Dala ang Cellphone, nagtext ako sa mga kaybigan ko.

"Kamusta?" sagot ni Rani sa akin. Kaybigan kong babae sa Facebook.

"Okay naman ako," kahit hindi.

Tapos nagtext si Lester. Siya ang lalakeng gusto ko na nakilala ko sa facebook. Ang galing nga, dahil kahit sinabi kong mahal ko siya, wala lang sa kanya. Wala lang. Parang 'yung ibang tao sa buhay ko, wala lang ako sa kanila.

"Okay naman ako Maylee," sagot niya sa pangungumusta ko.

"Nasaan ka? Kita tayo?" sabi niya.

Puputan ako sa loob ng Lianas para doon ma-upo kasi, kanina pa ako napapagod kalalakad. "Ang layo ng inyo, pupuntahan mo ako?" sabi ko.

"Oo naman. Gusto kitang makita eh. Pakiramdam ko, kailangan kitang makita kasi palagi kitang naiisip," sumaya ang puso ko sa nabasang text niya.

Totoo ba ito?

Gusto niya akong makita kasi palagi niya akong naiisip?

Humakbang ako patawid habang hawak ang cellphone ko nag bigla itong mag-ring.

Lester Calling...

Ans       reject

Sinagot ko ang tawag...

"Hello," aniya. Napangiti ako.

"May sige na kita tayo. Gusto kitang makita sa personal," a niya.

"Oo na. Nasaan ka ba?" sabi ko.

Humakbang ako papunta sa gitan ng kalsada.

"Nasa crossing, kiga tayo?" a niya. "Mahal na yata kita, kaya sige na, kita na tayo. Gusto kong personal na masabi sa 'yo 'yan," sabi niya.

Napangiti ako...

Hindi ko alam na may L3 palang papalapit at mabilis ang andar.

'Yung saya ng narinig ko,

Sa wakas, may nagmamahal na rin sa akin...

Sa wakas, may nagpahalaga na rin sa nararamdaman ko sa kauna-unahang pagkakataon...

Sa wakas... Pero ang mga saglit din na 'yon, biglang nag-play sa akin ang lahat. Lahat ng pinagdaanan ko. Masasakit ay masasaya... Lahat nang 'yon ay parang palabas sa pelikulang, nag-play sa isip ko.

Huli na...

Ang sakit ng pagtama ng sasakyan sa katawan ko, ay walang wala sa sakit na nararamdaman ng dibdib ko.

"'Yung babae! Jusko!" sigaw ng marami. Naka-loud speak ang cellphone ko kaya narinig ko pa ang pagpapanic ng boses ni Lester sa kabilag linya.

Pero hindi na ako makakilos. Wala na akong pakiramdam...

"Sa wakas..." bulong ko.

"Siguro naman, matatapos na ang perwisyo na nagagawa ko sa inyo..." I said.

Hirap na akong huminga at nakikita ko ang mga tao na nakaikot na sa akin at nagkakagulo.

"Duguan 'yung babae kawawa naman! Tumawag kayong ambulansiya!" sabi no'ng isa.

"Huwag na, mamamatay na 'yan. Sa purinarya na lang kayo tumawag!" sabi no'ng isa.

Pagkatapos noon, wala na akong narinig pa.

Tapos na...

Hanggang dito na lang...

Natupad ko na ang gusto nila...

......

HGBJ.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Removing the CursedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon