Bakit Mahal?
Masarap... masarap magmahal,
No'ng una taga hanga mo lamang ako,
Isang ngiti mo lamang akala mo'y milyon-milyong mga nagliliparang paro-paro ang hindi mapakali sa loob ng aking sikmura.
Yung tipong akala mo ay nababaliw na dahil sa ngiting hindi maipaliwanag dahil sa sobrang saya at ang masasabi ko lamang ay isang malutong na mura.
Puking ina...
Nagkalapit, nagkamabutihan, at sa hindi sinasadya ang sarili ko'y hindi na maintindihan...
Unti unti ang loob ko ay nahulog sayo, Hinayahang ito'y lumalim dahil alam kung ako'y iyong masasalo.
Apat..lima? O sa ikaanim na araw ay opisyal na... tayo na nga.
Hindi mapakali...
Akala mo ay ako'y lalagnatin,
Sikmura'y pumipilipit, na akala mo ay may isang malupit na buhawi ang humahawi sa buong kalamnan na hindi ko mawari.
Naging masaya tayo sa una at pangalawang taon nating pagsasama...
Pero bakit mahal?
Lahat ng ito'y nagbago lang sa isang iglap.
Sa isang kurap lang ng aking mata pagmamahal mo'y hindi ko na mahagilap.
Nanlalamig sa gabing dapat sana'y mainit dahil sa dalawang katawan na nagsisiksikan sa isang maliit na kama na puno ng ala-ala na tayong dalawa ang gumawa at nagmarka.
Mga malalaking ngiti na saating labi'y iginuhit, mga tawanang sa tenga'y nakakabingi.
Pero bakit mahal?
Ito'y bigla mo nalang binura ng walang pasabi.
Naaalala mo? Yung mga panahong ako'y iyong iginuguhit? Ang sabi mo 'mahal tayo... tayo ang itinadhana ng Diyos na magkasama sa poot at pighati. Sa lungkot at ligaya sa hirap at ginhawa kahit anong mangyari.'
Yang mga linyang yan, iyan ang mga pinanghahawakan ko sa panahong ako ay iyong binabaliwa.
Gustong kumawala... gustong kumawala ng mga luhang nagbabadyang tumulo ano mang oras ngayon.
Mga masasayang ala-ala pilit kong binabalik balikan kahit alam kong ito'y pinakupas na ng panahon.
Isang gabi tinanong kita. 'Mahal ikaw ba'y may iba?'
Pero mga sapak, sampal, suntok at sakal ang aking napala pero ito'y aking hindi ininda sapagkat mahal kita.
Ako'y nahihirapan na, pero hindi sa dahilang ako'y iyong sinasaktan kundi sa kadahilanang alam ko... alam ko sa sarili ko... alam ko sa sarili ko na ang iyong pagmamahal ay naglaho na... naglahong parang isang bula... parang isang bulang pwede mong ilagay sa iyong palad pero ilang segundo mo lang itong pwedeng panghawakan.
Ayaw ko... ayaw kong ikaw ay aking pakawalan, dahil kapag iyon ay aking ginawa para ko naring sinaksak ng paulit-ulit ang aking sarili hangang ako'y magmanhid at wala ng maramdaman.
Isang araw ako'y naglalaba may nakita akong pulang marka sa kuwelyo ng iyong polo. Tama ang aking hinala, ikaw nga'y may iba. Pero hindi ko na ito kinumpirma dahil ako rin lang naman ang masasaktan sa iyong sagot.
BINABASA MO ANG
Bakit mahal? (Oneshot Story)
Short Storybakit mahal? ito'y matagal ng aking tanong. -chubbykoiz